C2

75 2 2
                                    

Nakaw-tingin

Hanggang sa pag uwi ay hindi pa din ako makapaniwala na kausap ko at nakasama ko ang first love ko. Hinawakan ko naman ang aking dibdib kung nasaan banda ang aking puso hanggang ngayon ay hindi pa din tumatahimik.

tumayo naman ako at tinignan ko ang aking sarili sa salamin, hinawakan ko naman ang paso kung saan banda sa'aking muka. Napa-pikit na lang ako nang lumitaw nanaman ang imaheng ayaw ko makita.

hanggang ngayon ay natatakot ako malaman nang iba ang tunay na pagkatao ko. My dad's family doesn't like me because what happened of many years ago.

nalaman ko na pinapakasal si papa sa anak nang kaibigan ni lolo pero inayawan iyon ni papa kaya ito tumungo papuntang japan hanggang nakilala niya ang aking ina.

napa-buntong hininga naman ako at bumalik na lang sa pagkaka-higa. Kinabukasan naman ay ganon ulit ang aking routine dahil araw araw naman ako nag gym kaya nasanay na din ang aking katawan at hindi na sumasakit.

habang papasok naman ako sa school ay kaba ang aking nararamdaman, god! hindi ko pa nga nakikita si spencer ganito agad ang bilis nang pag tibok nang puso ko. paano pa kaya pag kinausap na ako baka himatayin ako.

wala naman masyadong ganap sa at puro lesson lang ang ginawa namin, nang mag break time naman ay pumunta ako sa likod nang school kung saan doon ako kumakain. Ayaw ko sa canteen dahil baka bullyhin lang ulit nila ako.

inilabas ko naman ang aking baunan at ang simula kumain, napapa-pikit na lang ako tuwing lagi ko natitikman ang luto ni nanay juvy.

"why you here?" nagulat naman ako nang marinig ko ang malamig nitong boses, hinanap ko naman ang tubig inumin ko kaso mukang nakalimutan ko pa. Nakita ko naman na inilahad niya ang kanya at mukang naka-inom na siya.

nang mahismasan naman ako ay naka-hinga naman ako nang maluwag "whoo!! akala ko mamatay na ako"

"tss" dinig kong sabi nito, napa-tingin naman ako sa baon na dala-dala nito at mukang masarap iyon dahil amoy pa lang. Sabagay ang may baon nga ulam na agad

"do you want?"

"huh?" takang sabi ko, hindi naman ito nag salita hanggang nilagyan niya ako nang ulam sa aking baunan. "s-s-salamat"

afritadang baka iyon nang matikman ko naman ay parang nililipad ako sa langit dahil sa sarap, "malambot ang baka mukang pinakuluan nang maiigi, ang kanyang sangkap ay sobrang sarap lalo ang sarsa"

tumingin naman ako dito na ngayon ay tahimik kumakain, "kasambahay niyo nag luto?"

"no, me" napa-ubo naman ako at nakaramdam nang hiya

"so-sorry"

"it's okay"

"masarap ka mag luto, mahilig kaba mag luto?" tanong ko habang kumakain

"yeah"

"talaga! wow ang galing mo naman haha, ako hindi eh kahit ilang beses ko gusto matuto lagi ko lang nasusunog ang niluluto ko" nakita ko naman ito tumingin sakin at bumalik ulit sa kinakain.

"where's your mom then?"

"haha wala na ako nanay simula na inabanduna kami ni papa ay wala na akong ina" uminom naman ako sa tumbler niya at iniligpit ko naman ang aking pinag-kainan. Bigla naman humangin kaya nakaramdam naman ako nang antok.

"pinangarap ko magkaroon nang isang ina kaso hindi iyon binigay sakin" malungkot pero wala ako magagawa kung ayaw samin ni mama.

humiga naman ako hanggang hindi ko namalayan na naka-tulog ako, pag gising ko naman ay wala na ang binata saking tabi. kaya dali-dali naman ako tumayo dahil may susunod na klase pa ako.

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon