C19

44 1 0
                                    

The thunder

Hindi naman ako lumabas nang kwarto nang sumunod na araw binuksan ko lang ang mga regalo sakin nang mga bisita habang kasama ko sila Charles at aria.

"Bakit hindi ka maging vloger?" tanong sakin ni Charles habang pumpapak nang cake.

"Pag nilanggam talaga itong kama ko Charles tignan mo lang" inis na sabi ko "nahihiya ako baka walang mag subscribes sa channel ko"

"hindi naman siguro wala naman masama kung itry mo" anya naman sakin ni aria habang may hawak hawak na libro.

"Oo nga naman nasaan ang aki na positibo sa buhay?" inirapan ko naman si Charles.

Tamang-tama niregaluhan ako ni tita melanie na sony at ang sabi niya pa iyon ang bagong labas ngayon at galing pa talaga sa ibang bansa kaya pwede ko iyon magamit.

Siguro tama sila aria at Charles na kailangan ko ilibang ang sarili ko para mawala sa isip ko ang sinabi sakin nila eva at kezea.

Napag-usapan din naman ni spencer na tungkol doon na after graduate niya ay pupunta siya sa ibang bansa upang doon kumuha nang license sa pag luluto. Hindi ko alam pero tuwing lumilipas ang araw ay natatakot ako na mawala ito sakin.

Wala naman kami ginawa buong araw kaya bandang hapon ay nag paalam na si Charles dahil may gagawin pa daw sila nang tita niya. Habang si aria naman ay tinulungan si nanay juvy, busy naman si papa dahil may hinahabol itong report na dapat niya pirmahan.

Nag ayos naman muna ako bago mag simulang mag film.

"Okay kaya ko to!" sinet-up ko naman ang camera ko habang inilagay ko ito sa may variety ko.

"Hello guys this is aki!"

Sa mga napapanuod ko sa youtube pag gagawa nang unang video ay dapat ipakilala muna ang sarili kaya nag post ako kaninang umaga sa aking instagram at twitter na gusto nila itanong.

Hindi ko naman inaasahan na sobrang daming followers ko na tumugon sa aking post. Mahigit isang oras din ako nag film sa sarili dahil natatawa ako at ang panget naman kung ganon.

Hanggang natapos ako ay hindi ko na lang namalayan ang oras, nanuod muna ako sa may youtube kung paano mag edit nang video ang iba ay kailangan pa bumuli para magamit ang mga effects.

"Aki kakain na daw!!" dinig kong sigaw ni aria, napatingin naman ako sa orasan at hindi ko namalayan na alas-sais na nang gabi kaya bumaba ako.

"Oo baba na!! shoks! Nakalimutan ko pa icharge ang cellphone ko!" bago naman ako bumaba ay chinarge ko muna.

Dahil sa naging busy ako sa kaka-edit nang aking video ay unting-unti naman nawawala ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Hindi pa din pumapasok si spencer wala na din ako balita sa kaniya kung ano ba nangyayari sa kanya.

Siguro kinalimutan nga niya ako o malaki lang ang problema nang kanyang pamilya. Papunta naman na ako sa library ngayon upang mang hiram nang libro dahil may darating na long quiz kami ngayon kay sir paul.

Nagulat na lang ako nang bigla na lang may humawak sa aking balikat. "A-aki?" napa-tingin naman ako at sa gulat ko ay hindi ako maka pag salita. Nag simula naman bumilis ang pag tibok nang puso ko nang Makita ko ulit siya.

"S-spencer?" mahinang salita pero alam ko narinig naman niya iyon. Hindi saya ang nakikita ko sa kaniyang mata kundi pag-aalala. Unting-unti naman bumubuo ang katanungan sa aking isipan.

Humakbang naman ako paatras sa kanya hanggang hilahin ko ang balikat ko sa pagkakahawak niya. "A-aki? I-I can explain?"

"N-no" nanginginig naman ang aking labi habang napapailing na lang. Parang may tumusok sa aking puso nang Makita siya. Diba dapat maging masaya ako bakit ngayon ay parang natatakot ako.

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon