C8

51 1 4
                                    

I believe you

Kahit papano naman ay gumaan ang pakiramdam ko noong oras na iyon at nakalimot din na nandoon ang pamilya ni papa.

"Hindi kapa ba uuwi?" tanong nito. Tamang-tama naman nag txt si papa na hindi uuwi ang pamilya kaya wala naman ako nagawa kundi tiisin ulit na pakisamahan sila.

"Uuwi na ako" tumayo naman ako at inayos ang aking gamit "salamat sa pag sama myloves ah! Wag ka mag alala may kiss ka haha"

"Kailan?" nagulat naman ako sa tanong nito

"huh?" sumilay naman ang multong ngiti nito. Namamalikmata ba ako? Ngumiti siya sakin?

"Wala, sige na umuwi kana at gabi na" kahit hindi pa din ako makapaniwala ay kailangan ko na umuwi lalo tumatawag na si papa. Kaya nang makarating naman ako sa bahay ay may matamis akong ngiti.

"Anak!" niyakap naman ako ni papa at kita ang pag-aalala sa kanyang mata "Sorry anak hindi ko alam na dumating sila"

"Ayos lang pa!" pumasok naman kami at nakita ko doon ang mga kamag-anak namin. Lumapit naman ako sa abuela ko.

"Mano po la" kukunin ko sana ang kanyang kamay nang iwasan niya iyon.

"Wala akong apo hampas lupa!"

"ma!" dinig kong sabi ni papa, ngumiti naman ako "galangin niyo naman ang anak ko nasa pamamahay ko kayo"

"Bakit? Totoo naman ah! Sigurado kabang anak mo yan"

"ma!"dinig naman ang inis sa tinig ni papa.

"Oo nga naman kuya, sigurado kaba talaga alam mo madaming naging lala-"

"Sige Jessica salita kapa diyan baka makauwi kayo nang di oras!"

"Aakyat na ako pa may assignment pa po ako" lumapit naman ako kay papa at nag beso.

"Kakain pa tayo anak"

"Mamaya na pa kailangan ko pa kasi unahin po ito mauna na kayo"

"Walang respetong bata" bulong na sabi ni abuela.

"Sige ipapahatid ko na lang kay manang ang pagkain mo" tumango naman ako at umakyat na pero bago naman ako makalayo ay narinig ko pa ang sinabi nila sakin.

"Bakit mo ba kinakampihan ang batang iyon ha joey! Alam mo anak siya nang boldstar!"

"Anak namin siya ma! Kaya please lang respetuhin niyo ang anak ko"

"Tama naman kasi si mama kuya hindi mo nga alam kung anak mo talaga iyan o sa ibang lalaki" wika naman ni tiya Jessica ang pangalawang kapatid ni papa.

"Baka nga nag mana sa pa sa ina tss!" wika naman ni tiya jasmine.

"Pwede ba kung ako kaya niyo respetuhin ibigay niyo na lang sa anak ko!!" dinig ko naman ang sigaw na sabi ni papa. Pinunasan ko naman ang luhang tumulo sa aking mata.

"Masakit ba?" nagulat naman ako nang Makita doon si abby ang anak ni tiya Jessica.

Hindi naman ako nag salita habang ang kanyang mata ay naka-tingin sakin na puno nang pandidiri.

"Kaya pala marami ako naririnig tungkol sa school niyo na isa kang whore" napa-irap naman ako at nilagpasan ito "masakit ba ha"

"Pwede ba abby kung wala ka naman magandang ilalabas sa malaki mong bunganga itikom mo na lang" nakita ko naman ang galit sa kanyang muka.

"What?" hindi ko naman na ito pinansin at pumasok na sa kwarto at nag lock nang pintuan.

Naligo naman ako at binabad ko naman ang aking katawan sa maligamgam na tubig. Ipinikit ko ang aking mata at sinubukan alisin ang sinabi nila tungkol kay mama.

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon