C3

56 1 0
                                    

Cry

"Papa naman iisa lang ang papakasalan ko!" ngusong sabi ko habang nasa hapag kainan kami, kumunot naman ang noo nito

"anong papakasalan ka dyan aki? ang bata-bata mo pa!"

"pa, I'm not a kid anymore! dalaga na ako at baka yayain na ako pakasalan" seryosong sabi ko

"tigil-tigilan mo ako akira ah"

"nangangarap lang po yan tito" tinignan ko naman si aria sabay simangot ako.

"bakit aria may nanliligaw na ba sa anak ko?"

"pa, sa ganda ko pa naman ito hindi ako hahabulin? malamang may gusto manligaw sakin kaso sabi ko taken na ako" nakita ko naman ang pag-irap ni aria.

nang matapos naman kami kumain ay dumiretso na ako sa kwarto at nag linis na, binuksan ko naman ang aking facebook upang tignan ang profile ni spencer.

"wala na bang mapost na iba?" bulong na sabi ko. Nakatalikod ito habang nag luluto siya kulay pink ang kanyang tshirt habang naka khaki short ito.

"grabi ang sarap mo talaga papa spencer!" wala na siya ibang post doon at naka private ang kanyang facebook account. Nag friend request naman ako bago ako mag log out lalo may short quiz pa kami bukas.

Naka jumpshort naman ako habang nilugay ko naman ang aking itim na buhok, bago naman ako maka-labas nang kwarto ay kinuha ko muna ang wallet ko na si blossom.

"tara na aria baka malate tayo!!" sigaw ko habang nag sisintas nang aking sapatos, nakita ko naman ito lumabas sa kusina habang may bitbit na baunan namin.

"ikaw lang naman hinihintay ko ang tagal mo!" asik nito sakin nginisihan ko naman ito.

"tara na, alam mo kailangan ko mag paganda diba hahaha"

"para saan pa? maganda ka naman" anya nito sumakay naman na kami sa kotse, nang makarating naman kami sa school ay nag hiwalay na kami dahil sa ibang department school ito.

"oh nandiyan nanaman ang bida-bida" dinig kong sabi ni eva. Hindi ko naman sila pinansin at patuloy lang umupo sa upuan ko.

"ikaw ba ang pinaparingan nila?" napa-tingin naman ako kay Charles, gwapo naman ang binata lalo may dimples ito sa parehas niyang pisnge habang lubog na lubog iyon.

"hayaan mo na insecure lang mga yan" anya ko at hindi ko na pinansin sila eva dahil nasisira lang ang aking araw.

wala pa naman ang guro namin kaya nag bukas naman muna ako nang facebook upang tignan kung niaacept ako nang binata. Malawak naman ang akong ngiti nang inaccept niya ang friend request ko.

"crush mo?" napa-tingin naman ako kay Charles kaya napa-layo naman ako dahil sa lapit nang kanyang muka sakin. "crush mo nu!"

pang-aasar nito sakin, kaya namula naman ang aking pisnge, "h-hindi ko siya crush! asawa ko siya!!"

malakas naman ito tumawa na parang may nakakatawa sa sinabi ko, "ang bata bata mo pa asawa na agad ang iniisip mo!!"

masama ko naman ito tinignan at inirapan, kinakabahan naman ako dahil gustong-gusto ko ichat ang binata kaso nauunahan ako nang takot.

god! mamaya may makaagaw pa sa kanya, ichat ko kaya?

"asawa mo pero kinakabahan ka mag chat?" ngumuso naman ako

"bakit ba ang chismoso mo?!"

"bakit? masama ba malaman ang gusto nang kaibigan ko?" napa-ngiwi naman ako dito

kailan ba ako pumayag na maging mag kaibigan kami, assuming ata itong lalaki

"baliw kana ba? kailan ako pumayag nang maging kaibigan tayo?" nilapit naman nito ang kanyang muka sakin.

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon