C7

48 1 0
                                    

Pag Iwas

"Gumising ka diyan!!" hinila-hila naman ni aria ang kumot ko habang ako naman ay ganon din "Ano bang nangyayari sayo ha?"

"Tinatamad ako pumasok aria!" inis na sabi ko. Ayaw ko pumasok dahil nahihiya ako Makita ulit si spencer lalo nakita niya ang itsura ko.

"Bakit nga! Kilala kita aki alam ko may nangyari kagabi?" I bit my lower lip, I told aria what happened. Hanggang ihatid ako nito kagabi.

"Walang hiya talaga yang si eva!" kita ko naman ang galit sa kanyang itsura "lagot nga yan mamaya sakin"

"Hayaan mo na aria ayaw ko na din kumalat iyon" bumangon naman ako at matamlay na pumunta sa may bathroom. Tinignan ko naman sa salamin ang aking muka.

"You're not a monster aki, how many times I told you right?" dinig kong sabi ni aria sa labas nang cr ko. Hinawakan ko naman ang aking muka.

"isn't it really?" anya ko

"O-oo naman aki, t-that is not seen by others because they do not know you" napa-buntong hininga naman ako alam ko naman na pinapaggan lang ni aria ang pakiramdam ko.

"Papasok ako, hintayin mo na lang ako sa baba" hindi ko na hinintay ang sagot niya at binabad ko ang sarili ko sa ilalim nang shower.

Matamlay at wala akong gana ngayon. Nang makarating naman kami sa school ay sobrang lakas ang kabog nang aking puso. Anytime mag-kikita kami ni spencer at matatakot na siya sakin.

Parang naman akong tanga at nababaliw dahil lagi ako palinga-linga sa paligid dahil baka nandoon ang binata at magkita kami nito. Nag tatago naman ako sa mga poste tuwing may dadaan na kaklase niya ay nag tatago ako baka kasama nila ito.

Napaparanoid naman ako masyado, ano kaya ang sasabihin niya pag nag kita kami? Lalayuan niya kaya ako at pandidirian kagaya nang iba?

Isang linggo ako ganoon hindi din ako pumupunta sa may tambayan ko nag taka naman ako na hindi kumalat ang nangyari kahit si eva ay hindi pumasok nang isang linggo.

"Aki! Bigay mo naman ito sa kay mrs. Elma yung mga quiz natin" anya nang president naming

"e-eh bakit ako? Iba na lang may gagawin pa akong iba" tangi ko naman sa kanya. Mamaya makasalubong ko pa ang binata lalo wala ito sinabi nang Makita niya ang muka ko.

"Ang dami ko kasing ginagawa, ikaw lang ang pwede gumawa nito" gumagawa kasi kami ngayon nang banner para sa intrams namin lalo malapit na iyon.

Napa-simangot naman ako.

"Oo na! ako na!" ngumiti naman ito na parang nang-aasar kaya napa-irap na lang ako. Hindi ko naman sila kaibigan lahat pero close ko naman ang mga iyon.

Wala naman ako nagawa at ginawa ko naman ulit pang-iiwas sa binata.

Nang makarating naman ako sa opisina ni mrs. elma ay naka-hinga naman ako nang maluwag. Kumatok naman ako doon bago pumasok.

"Oh mrs. Santiago?" Inalis naman nito ang kanyang salamin at tumingin sa hawak hawak ko.

"Ah mam ito pala iyong quiz namin mam" Lumapit naman ako sa lamesa niya at ibinigay iyon.

"Salamat mrs. Santiago" naka-ngiting sabi nito "Wala paba ang next prof. ninyo?"

"Ah hindi daw po makakapasok mam, kaya nag hihintay na lang din po kami sa next subject namin"

"ah ganon ba, pwede ba ako makisuyo sayo?"

"Ah oo naman mam! ikaw pa haha" napa-kamot naman ako sa buhok ko. Ngumiti naman ito sakin at may kinuha sa kanyang drawer.

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon