C16

45 1 0
                                    

You're beautiful

"Aki!!" napa-balikwas naman ako nang marinig ko ang malakas na katok at sigaw ni aria sa labas nang aking kwarto kaya dali-dali naman ako tumayo at binuksan iyon.

"Bakit kaba nambubulabog nang tulog!" inis na sabi ko dito. Inirapan naman ako nito.

"Anong oras na donya! At susunduin pa natin sa airport si tita melanie baka nakakalimutan mo?" napa-tingin naman ako sa kalendaryo at sa orasan.

"Shoot! Oo nga!"

"Tss bilisan mo at hintayin kita sa baba!" nag madali naman ako pumasok sa c.r at naligo na. hindi na ako nag make-up at doon na lang sa kotse habang nag biyahe kami papuntang maynila.

"Mag-iingat kayo doon, eto nag baon ako nang tinapay para may laman ang tiyan niyo" anya ni nanay juvy habang kinuha naman iyon ni aria.

"Salamat po nanay!" umalis naman na kami.

Nasa front seat naman si aria na katabi niya si tatay ingo habang ako ang nasa likod niya, nag ayos naman ako nang aking sarili. Ngayong araw ang dating ni tita melanie dahil kailangan na namin ayusin ang debut ko.

Ayos lang naman sakin na simple debut lang ang mangyayari sa aking kaarawan basta nandoon si papa ay ayos na sakin kaso hindi pumayag si papa dahil isang beses lang ito mangyayari sa buhay.

Mabuti na lang ay natapos na din namin ni aria ang pag gawa nang invitation card para sa mga dadalo, gusto ko sana yayain ang mga pinsan ko o kahit sila tita at abuela. Kaso baka hindi din pumayag si papa lalo sariwa pa din ang ginawa nila sakin.

Pito at kalahating oras naman kami bago nakarating sa airport dahil traffic kaya inabot kami nang hapon, mabuti na lang ay hindi pa dumadating ang sinasakyan na eroplano ni tita melanie kaya kumain muna kami.

"Grabi excited na ako Makita si tita melanie!" anya ko kay aria. Ngumiti naman ito sakin

"Sus para may kakampi ka lang kasi" asar nito sakin kaya napa-nguso naman ako.

Maya't-maya naman ay nag txt na sakin si tita melanie kaya tinaas na naming ang banner. Napa nga-nga naman kami ni aria nang Makita ito. Para siyang celebrity dahil sa suot niya.

"Aki? Is that you?" tumango naman ako at tumingin din siya kay aria na kagaya ko "OMG ang laki mo na ari!!"

"Aria tita melanie hindi ari ang bantot!!" tumawa naman ito at niyakap kaming dalawa ni aria kaya hindi kami maka hinga.

"Grabi dalagang-dalaga na kayo! Kung dati pinupunasan ko pa ang mga muka niyo dahil sa ice cream ngayon dalaga na!!"

"Ang panahon nga nag babago tao pa kaya?" aniya naman ni aria.

"Hahaha oo na kahit kailan hindi ako mananalo sayo ari!" napa-irap naman si aria habang ako ay tumawa "Let's go to the mall libre ko kayo!"

"Talaga tita?"

"Ofcourse darling para makabawi ako sainyo!" masaya naman ako. Mas maganda ang mall sa maynila kesa sa probinsya at mas mura pa dito kesa sa probinsya.

Pumunta naman kami sa ayala mall dahil mas marami daw doon mabibilhan lalo ang mga make-up at mga bags. Hindi naman na bago saakin dahil minsan pumupunta ako sa maynila lalo may party si papa at sinasama ako.

"Tita gusto ko bumili nang bagong make-up!"

"Ang dami-dami mo nang make-up bibili kapa?" kontra agad ni aria

"Eh gusto ko kasi bilhin ang bagong labas ni chanel"

"Ikaw bahala hija kahit ano bilhin mo sagot ko" ngumiti naman ako nang malaki. Pumunta naman ako sa second floor dahil nandoon daw ang mga make-up cosmetics.

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon