C18

43 1 0
                                    

Tears of sadness

"Ilang invitation card na lang ang nasa iyo?" tanong sakin ni aria habang naka dapa ito sa papag. nasa kubo naman kami.

"lima na lang hindi ko pa kasi na bibigyan ang anak nang kapitana" anya ko dito habang tinitignan ko sa loptop ko ang magiging party ko.

"Eh bakit kasi kailangan pa bigyan ang mga yun?" reklamo naman ni Charles habang naka indian seat at may hawak na gitara. Sabagay ano nga ba ang maibibigay na idea nitong mokong na to.

"Alam mo naman dito sa probinsya Charles kahit hindi ka invited ay pwede ka pa din pumunta. Kaya kasama ang anak ni kapitana dahil hindi ko din alam" aniya naman ni aria kaya napa-irap ako at umayos sa pagkakaupo.

"Kilala niyo naman si kapitana may pagka-marites at akala mo kamag anak namin mas matindi pa kung mag tampo kung hindi kasama ang anak niya"

Hindi ko close masyado si joy ang anak ni kapitana dahil sobrang plastic niya lalo pag nasa school kami, F.A din ang kinuha niya dahil matangkad naman siya at maganda. Kaya tuwing nakakasalubong ko ito sa building ako na lang ang iiwas dahil kagaya nang nanay niya may pagka marites.

"Hay, nakikisama ka pala sa plastic?" pang-asar na sabi ni aria.

"Kaya nga ewan ko ba doon. Ligawan mo nga Charles!" bigla naman sumimangot ito dahil nalaman ko na gusto siya ni joy dahil nakita ko na iyon sa love letter na binigay sa kanya.

"Yak! Ayaw ko doon ang kapal nang make-up akala mo sinampal sa sobrang pula nang pisnge" tawang-tawa naman kami ni aria.

Binigyan ko na din nang invitation si spencer siya pa nga ang unang-una na binigyan ko, siya ang pang 18th flower ko at siya ang huling masasayaw ko.

Nakaramdam naman ako nang excitement dahil sa mang-yayari sa araw na iyon. Hindi ko naman binigyan nang invitation ang pamilya ni papa dahil alam ko magagalit lang si papa sakin.

Gusto ko sana kaso nang sabihin ko iyon kay tita melanie ang sabi niya sakin ay wag na para hindi na lang magkaroon nang gulo. Kaya ang anak na lalaki na lang ni tita jasmine ang binigyan ko dahil siya lang naman ang close kong pinsan sa side ni papa.

Ngayong linggo din naman ang pag uwi ni papa kaya susunduin naming ito sa airport kaya umabsent muna ako hindi ko na inaya si aria dahil alam ko may hinahabol itong project.

Malayo pa si papa ay kilala ko na ito agad, hindi masyado nag tatago si papa hindi kagaya nang ibang tao na mayayaman na sobrang balot na balot ang damit.

Naka pants at jacket lang ito habang naka sumbero at naka shade, kung titignan si papa ay mukang nasa 30's pa ito dahil baby face ang kanyang itsura habang ang kanyang pustura ay hindi pang matanda.

"My daughter!!" sinalubong naman ako nito nang yakap kaya napa-ngiti na lang ako.

"How are you pa?"

"I'm fine, nakaka relax ang biyahe. Did you eat?" kinuha naman ni tatay ingo ang gamit ni papa habang tumulong din ako papunta sa sasakyan.

"No pa, dumiretso na kami dito baka kasi ikaw pa ang mag hintay samin haha" pumasok naman kami nito sa kotse.

"haha ikaw talagang bata ka. Ingo daan muna tayo sa mcdo mga drive thru na lang at baka nagugutom kana din" anya ni papa.

"Sige po sir!"

Dumaan naman kami sa may mcdo at marami na din ang inorder ko para sa pasulubong ko kila nanay juvy at aria. Dahil alam ko mahilig kumain nang mcdo si aria at minsan lang makakakita doon dahil jollibe at chowking lang ang meron sa bayan.

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon