C23

56 1 0
                                    

Ramen 

Hanggang sa maka-uwi naman kami ay hindi ako tinantanan nang tingin ni papa, dumiretso naman ako sa may kwarto at nakita ko na mahimbing natutulog ang anak ko.

"Kumain na ba kayo?" tanong ko kay manang ida.

"Oo hija, hihintayin sana kayo at sabay daw kayo matulog kaso inantok na" ngumiti naman ako nang mapait dahil hindi sanay ang anak ko na hindi kami sabay matulog.

"Salamat po nanay ida" Tumango naman ito. Nag linis naman ako naman ako nang aking katawan nang matapos naman ay nag bihis na ako hinalikan ko naman sa noo si kazan.

Tinignan ko naman ang phone ko at nakita ko doon ang txt sakin ni papa.

Papa

"I need explanation tomorrow to my office darling!! Goodnight!"

Napa-irap naman ako dahil may pagka-chismoso talaga ang tatay ko, hindi ko din naman alam kung paano ko uumpisahin ikwento sa kaniya.

Tinawagan ko naman si aria.

"Hating gabi na at tumatawag kapa? Yung totoo?"

"Hys, I need your advice bes" lumabas naman ako at kumuha nang wine at nag salin sa baso

"Okay, kamusta naman ang family dinner niyo?"

"Tss, Yun nga nag problema ko.. fiancé ko ang tatay ni kazan!" hindi naman ito umimik sandali.

"Paano yan? Ipapakilala mo ba sa kaniya ang anak mo?"

"H-hindi ko din alam bes, hindi pa sumagi sa utak ko na ipapakilala sa kaniya ang anak namin"

"Why? He has the right to know her child aki"

"I know b-but I am afraid that he will put his dream before his own son!"

"How do you know aki? Natanong mo ba siya"

"Ginawa niya iyon sakin k-kaya hindi na bago gawin din niya sa anak niya"

"Because he hasn't proven anything her life aki! Yes mayaman sila sepencer. Pero hindi ibig sabihin doon aasa siya sa pera na alam niya hindi niya pinag hirapan"

"P-pero aria?"

"Ikaw ang unang nakakakilala sa kaniya akira, if you want to trust him again then give him a chance. Tama na siguro ang mahabang taong hindi mo pinag sama ang mag-ama"

Alam ko magiging masaya si kazan pag nakilala niya ang kanyang tatay pero natatakot naman ako na iwan niya ulit kami lalo ang anak ko. Ayos na sakin na ako lang masaktan pero Makita ang anak ko na nasasaktan ay doubleng sakit ang mararamdaman ko.

Kinabukasan ay hindi pa din ako maka decide kaya nang pumasok ako ay naging lutang ako, kinakausap nila ako pero hindi naman ako makasagot. Kahit nang mag usap kami ni papa ay wala ako sa katinuan.

"Ano ba nangyayari sayo anak?"

"I'm sorry pa, hindi lang ako naka tulog nang maayos kagabi" palusot ko na lang.

"Btw, hindi mo naman sinabi na si spencer ang crush na crush mo haha"

"Tss, bata pa ako nun pa, malamang siya pa lang ang nakikilala kong lalaki"

"Aysus tangi kapa anak wag ka mag aalala napag-daanan ko na din yan haha" napailing naman ako "btw hindi mo ba talaga ipapakilala ang anak mo sa kaniya?"

Napa-hinto naman ako, wala alam si papa na anak iyon nang tunay ni spencer dahil kung malaman niya siya mismo ang hindi sasang-ayon sa kasal na ito.

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon