C21

50 2 0
                                    

New Life

Dumaan ang ilang buwan at kabuwanan ko na din ngayon, si papa at tita melanie ang kasama ko sa bahay minsan naman ay umaalis si papa lalo may dapat siya ayusin sa pinas.

Wala ako kahit anong koneksyon sa pinas dahil pinutol ko na iyon simula umalis ako. Gusto ko mamuhay kami nang anak ko nang payapa at dito ko siya papalakihin. May balak din ako na pumunta sa japan kahit una ay nag aalangan si papa dahil sa nangyari sakin.

Kasama ko naman doon ang tiyahin ko ang kapatid ni mama kaya kahit papaano ay hindi naman na ngamba si papa. Dumaan pa ang ilang buwan ay nanganak ako at lalaki ang una kong anak masaya naman ako dahil nailabas ko siya nang maayos.

"Kazan! Sabi wag ka tumakbo diba?" tawag ko sa anak ko na ngayon ay eleven months at ngayon ay marunong na mag lakad.

"Ma!ma!" napa-ngiti naman ako at tumayo at binuhat ito.

Nag rereview ako dahil may final exam kami ngayon nandito na din sila nanay juvy at tatay ingo dahil kinuha sila ni papa upang may katulong daw ako lalo madalang lang siya.

"Diba mama said don't run?" ngumiti lang naman ito na parang wala lang ang sinabi ko.

Kung hindi titignan si kazan nang mabuti ay parang wala nakuha ang ama dahil maliit ang kanyang muka at maputi ito. Kahit ang kanyang ilong ay hindi katangusan pero maganda ang naging kalabasan o resulta sa kaniya, pero kung titignan ito nang mabuti ay mas marami nakuha sa ama kesa sakin.

Ang kaniyang mata ay masyadong matingkad na kagaya sa kaniyang ama na kitang-kita ang pagka-kulay brown nitong mata kahit ang mapupula niyang labi ay nakuha din.

Ang hugis ng kaniyang muka at katangkaran ay hindi ko pa masasabi dahil hindi din naman ako kaliitan kaya siguro ay magiging matangkad si kazan.

Lumipas naman ang taon hanggang naging two years old ang anak ko, nag tratrabaho din naman ako bilang flight attendance habang nag sisimula ko na patayuin ang aking salon dito sa japan.

"Cut the ribbon hija?" aniya naman ni tita aimi. Pinutol ko naman iyon at sumalubong sakin ang malakas na palakpakan.

"Congrats hija?" nag beso naman kami ni tita

"Thank you tita"

"Anak?" sinalubong ko naman nang malaking yakap si papa habang buhat buhat ang anak ko "Congrats anak!"

"Papa naman! Sabi ko wag mo buhatin yan si kazan alam mo naman na mabigat yan"

"Anong akala mo sakin mahina na ang buto-buto?" napa-nguso naman ako.

"Oh tama na yan let's lunch!!"

"Lunch! Lunch!!" sigaw naman nang anak ko. Natawa naman kami dahil iyon ang kauna-unahan niyang diretso na sinabi.

Nandito din si aria habang wala si Charles tinanong ko ito kung makakapunta siya pero sinabi niya ay hindi dahil may isang concert pa sila.

Nalaman ko din tungkol sa kanila at nangyari kay aria kaya ngayon ay kinuha ko siya upang maging manager nang aking salon. May tiwala ako sa kaniya lalo marunong ito humawak nang negosyo kaya siya ang kinuha ko dito.

"Ate ako na po bahala kay kazan" aniya naman ni amora ang taga alaga nito.

"Sure, pumasok na kayo para makakain na kayo" ngumiti at tumango naman ito. Pumasok na din naman ako pagkatapos nang interview sakin.

Sikat ang salon ko pero dalawang brach lang ang meron ako, sa may u.s at dito sa japan binabalak ko din naman na mag patayo sa pinas kung saan ang sarili kong bansa. Pero kailangan ko pa nang income at oras lalo tumutulong din ako sa business ni papa.

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon