C41

32 2 0
                                    


Care

Months past my chemo is good. Maalaga sila dra. Gomez at amora hindi nila ako pinabayaan kahit ang asawa at anak ko.

May araw o minsan naman ay oras ay inaatake ako ng symptom ko, kagaya ng pagiging iritable sa mga nakikita ko o sa mga sinabi sakin ng anak ko. Kaya kailangan ko kalmahin ang sarili ko minsan naman ay nakakalimot ako ng bagay-bagay

Next month na ang Operation ko at kailangan ko maging handa lalo kung mawala man ako sa mundong ito. Hindi pa ako handa na mawala dahil hindi ko pa kaya iwan ang mga taong mahal ko sa buhay lalo ang mag-ama ko.

I'm scared to be dead but I have no choice if it is my time. Nagsisimula pa lang maging normal at masaya ang buhay ko pero doon naman ako mawawala.

Bumuga naman ako at may lumabas na usok sa aking bibig, winter na dito sa new zealand kaya sobrang lamig at punong-puno ng niyebe ang paligid.

Hindi kami nakatira sa city kundi sa province pero malapit lang din kami doon. May sariling hospital ang mga dela ruel dito kahit siguro sa ibang bansa ay meron din.

"Kumain naman ba sila Oreo at Mocha?" tanong ko sa nag-aalaga sakin.

"Yes po mam, kakatapos lang din po" tumango naman ako. "I want to sleep"

Hinila naman niya ang wheelchair ko papasok sa loob ng bahay. "Mommy! Let's try it" inilahad naman nito sakin ang plato na may lamang cupcake.

"How did you make it darling?" tanong ko dito. Sabay kagat naman sa cup cake

"Me mommy, because the teacher said we need to make anything that i will give to our mother" tumabi naman ito sakin. "So i'll make a cupcake to you"

Ngumiti naman ako at hinaplos ang kanyang buhok. "Your so sweet darling"

"Hihihi, i love you so much mommy, don't leave us mommy" bigla naman pumait ang aking ngiti dahil sa sinabi ng anak ko.

"Home here darling, give mommy hug" pumunta naman ito sa aking harapan at niyakap ako ng mahigpit.

Ipinikit ko naman ang aking mata. Kahit ako ay may takot na maaga ko lisanin ang mundong ito pero kung iyon ang nakatadahana sakin ay wala ako magagawa.

"Listen to me darling, mommy always loves you no matter where i am. Mommy is always here to guide you hmmm"

Naramdaman ko naman ang mainit at mahigpit na yakap ng anak ko.

Kinagabihan naman ay maaga naman umuwi si spencer upang makapag luto ng hapunan namin. Umiiwas ako nang mga unhealthy food kaya siya ang nagluluto ngayon kahit may kasambahay kami.

Tinulungan naman ako ni spencer na makaakyat at hanggang sa maligo ay nandyan siya, mahina na ang buto ko dahil sa mga gamot na iniinom ko.

Sinabi naman din sakin si amora na nararamdaman ko ito lalo malapit na ang chemo ko.Tignan ko naman ang sarili ko sa salamin, kitang-kita ang peklat ko lalo wala na akong buhok hindi na din kasi ako nag m-make up

Dahil nasanay na ako, dahil tuwing hindi ako nag mamake up ay pakiramdam ko ay sobrang gaan ng aking muka.

"You're beautiful baby" ngumiti naman ako at hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Thank you for everything baby"

"Don't say that baby, i feel that you saying goodbye to me and i don't want that" inikot ko naman ang aking wheel chair upang makita ko ito. Lumuhod naman ito sa harapan ko at hinawakan ang aking kamay.

"I know that you are not ready and me too spencer" huminga naman ako ng malalim "b-but i can't handle what happened to me"

"B-but i know you are strong woman and let's pray i-i know he healing you" hinawakan ko naman ang kanyang muka.

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon