C24

55 2 1
                                    

Nightmare 

Nanatili naman ako ng isang linggo at kada araw ay nakikita ko din ang binata, hindi ko naman pwede iwan ang salon na hindi pa naayos kaya bawal pa ako umuwi sa pinas.

"Goodmorning ate?" ngumiti naman ako sa bumabati sakin "Ate kanina pa po nag hihintay si kuya pogi doon oh"

Tumingin naman ako sa lalaking tinuro ni jenifer at nakita ko doon si spencer. Anong ginagawa nang lalaking ito sa salon ko?

"B-bakit hindi niyo tanungin?"

"Tinanong na namin siya ate sabi niya gusto niya ikaw ang mag gupit daw" mas lalo naman ako nagulat sa sinabi nito dahil sa natatandaan ko hindi niya pina gugupitan ang kaniyang buhok.

Nilapitan ko naman ito naka bente kwatro ito habang nag babasa nang magazine. "A-ano ginagawa mo dito?"

"You here?" inilapag naman niya ang hawak na magazine bago ulit tumingin sakin "I want to cut my hair"

"Huh? P-pero hindi mo pinagugupitan yan diba?" ngumisi naman ito kaya kinabahan ako. Gaga ka talaga!! Aki pag isipan ka nanaman niyan nang iba!

"So you remember? Huh?"

"Tss wag ka asumming! Marami na pwde mag gupit sayo"

"I want you baby"

"Stop calling me baby!!" inis na sabi ko. Tumayo naman ito na nag agaw pansin sa mga empleyado ko

"Why? I am your fiancé akira" naka-ngisi naman ito. Narinig ko din ang mga bulong-bulungan nang tao sa loob nang salon.

"narinig mo yun? Fiancé pala ni ate yan?"

"Oo nga eh! Ayos lang naman bagay naman sila"

"Kaya pala kumain agad si ate sa restaurant ni sir dahil alam niya nandoon si sir pogi" napapikit naman ako nang marinig ko ang bulong ng tao.

"Oh? So excited ka pala Makita ako?"

"Wag ka assuming gutom lang ako nun.. tara na!" tumalikod naman agad ako at kinuha ang uniform at nag ayos na din nang gamit.

"Ito ang pwede mo pag pilian" binigay ko naman ang magazine na pwede niya pag pilian nang haircut.

"Hanggang balikat lang at pantay" wika pa nito "But I want treatment"

"What? Ano ka babae?" tinignan naman ako na nagmumula sa may salamin.

"Why? Babae lang ba ang pwede mag patreatment nang buhok baby?" inirapan ko naman ito. Nung una ay kinakabahan ako hawakan ang kaniyang buhok sobrang lambot at mabango nang tangalin ko iyon sa pagka-ipit.

Lagpas na sa balikat ang kanyang buhok at doon ko lang din napansin na may kulay ang ibaba niyang buhok, pure black ang kanyang buhok na gustong-gusto ko dati.

"Mag papakulay din pala ako nang itim" dugtong niya. Hindi naman ako nag salita at pinag patuloy ko lang ang ginagawa ko.

Hindi ko alam kung may naka-hawak na ba sa kanyang buhok o ako pa lang, malambot at masarap hawakan ayaw ko sabihin dahil baka masira.

Tuwing tumitingin naman ako sa kaniya ay naka-titig ito kaya mas lalo lumalakas ang kaba ko, parang ako aatakihin sa mga titig na binibigay niya sakin.

Kinulayan ko naman ito at pinag hintay ko nang ilang minuto upang dumikit ang kulay sa kaniyang buhok. "When are you going to Philippines?"

Tinignan ko naman ito naka dekwatro habang nag babasa ng magazine. "I don't know, baka pag naka bawi na kami ngayon?"

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon