C28

46 2 0
                                    

Long time no see

Umuwi na din naman ako pagkatapos nang dinner namin ni spencer, gusto ko pa sana manatili kaso hahanapin ako nang anak ko.

"Akira?" napa-lingon naman ako nang tawagin ako nito

"Yes?"

"I want to stay with you aki" mahinang sabi nito "gusto ko bumawi sayo sa lahat nang mga pagkukulang ko"

Nakaramdam naman ako nang guilty dahil sa nangyayari ngayon, gusto ko man siya makasama nang matagal ay hindi naman pwede. Lumapit naman ako sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang kamay.

"Give me a time spencer, gusto ko pag bumalik na tayo sa dati ay maayos na ang lahat. Sana maitindihan mo ako"

"Why not now? I-I can help you aki" ngumiti naman ako at niyakap ang binata

"Please understand me spencer" niyakap naman ako nito nang mahigpit.

"I'll wait you aki, until you okay" hinaplos ko naman ang kaniyang likod at ako na ang bumitaw. Ayaw ko na siya saktan o iwan tulad nang dati kong ginawa.

Pumasok naman na ako sa loob nang condo. Sumalubong naman sakin ang anak ko na ngayon ay naka pantulog na habang nanunuod sila nang kaniyang lolo.

"Mommy!!" sinalubong ko naman ito nang mahigipit na yakap.

"Shh baby, natutulog na si lolo" tumango-tango naman ito inalis ko naman ang aking sandals bago kami pumasok sa kwarto.

"Mommy? I'm sleepy" aniya nito habang kumukusot nang kaniyang mata. Lumuhod naman ako upang pantayan ito.

"Go baby sleep na, susunod si mommy maliligo lang ako"

"Really? Hindi mo ako iiwan?" ngumiti naman ako at umupo sa kaniyang tabi upang yakapin.

"Yes baby, kahit wala na ako sa mundong ito lagi ako nasa tabi mo at hinding-hindi ka iiwan anak" nang maramdaman ko naman ang pag bigat nito ay kinalong ko na ito papuntang higaan. Kinumutan ko naman ito at hinalikan sa noo bago pumasok sa banyo.

Pina-agos ko naman ang maligamgam na tubig sa aking katawan habang ipinikit ko ang aking mata at balikan ang sinabi nang aking anak. Ngayon lang ulit nag sabi sakin ang anak ko simula ang huling pahiwatig nito sakin.

Nang matapos naman ako maligo ay lumabas naman muna ako upang mag timpla nang hot choco nang Makita ko doon si papa. Gising na gising ito na parang hindi natulog kanina.

"Tulog na?" tumango naman ako at pumunta kung nasaan siya. Nag timpla naman na ako "kung tuwing gabi ka uuwi baka mag tampo na ang anak ko"

"Anong ibig mo sabihin pa?" bumuntong hininga naman ito at humigop muna nang kape bago mag salita ulit.

"You need to tell your son about spencer akira" I bit my lip. Alam ko seryoso ang usapan namin dahil tinawag na ako ni papa sa aking pangalan.

"Ang hirap pa" kumunot naman ang noo nito

"Why? It's your ultimate crush diba?" napa-irap naman ako dahil sa sinabi nito. Kahit kailan talaga ito si papa hindi tumatagal ang kaseryosohan sa buhay.

"Yes, pero hindi naman ganun kadali pa na sabihin ko kay kazan na ikakasal na ako" napa-iling naman ito

"Anak kaya nga mamanhikan si mr. dela ruel para makilala nang anak ko, sigurado ako na magiging masaya yun dahil magkakaroon na siyang tatay"

Napa hawak naman ako nang mahigpit sa aking tasa, hindi pa alam ni papa lahat tungkol sa nakaraan namin ni papa at sigurado ako pag nalaman niya kung sino talaga naka buntis sakin alam ko magagalit ito nang sobra at siya din ang magiging dahilan na mawawala sa buhay ko si spencer.

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon