SanaMatapos naming makipagkamustahan sa mga kamag-anak ni Kalib ay pinatawag siya na pumasok sa silid ng kaniyang Lolo. Gusto niya pa sana akong isama pero nagpumilit akong magpaiwan. I have to respect their privacy. Maybe may mga pag-uusapan silang personal kaya mas mabuting dito na muna ako.
Umupo ako sa isang sulok ng sofa, medyo malayo sa mga tao. Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang hagdan paakyat sa silid na pinasukan ni Kalib kanina. Kaya naman nakita ko agad ang pagbaba ni Tita Athena mula doon. Nandito rin pala si Tita? Well, what do I expect? Siyempre dapat nandito din siya knowing that Kalib is here.
Ng namataan niya ako ay halata ang gulat sa mukha nito. Pumunta siya sa kinaroroonan ko.
"Stacia? Sinong kasama mo?" nagugulat na tanong nito. Tumayo ako at nagmano sa kaniya. Nagulat siya sa ginawa ko pero ngumiti din naman. Maski nga ako ay nagulat din. First time ko atang magmano kay Tita.
"Uhm..si Kalib po Tita." her smile widen when she heard it.
"Talaga? Nagkita kami kanina sa taas, hindi man lang sinabi sa akin na kasama ka pala niya. Naku pasensya ka na hija, naiwan ka pa dito." nahihiyang saad nito.
"No it's fine Tita. Mas mabuti na rin yun ng makapag-usa sila ng Lolo niya ng mabuti." ngumiti ako sa kaniya at sinuklian niya rin iyon ng ngiti na may halong lungkot. Umupo siya sa sofa at tumabi naman ako.
Narinig ko ang bahagyang paghugot nito ng hininga. "Alam mo bang ngayon lang ulit kami nagkita ng ama ko, simula nung ipanagbuntis ko pa lang si Kalib." nagugulat akong lumingon sa kaniya. I didn't expect her to share this information with me. Nanatili naman nakatungo ang ulo nito. "And after a long time, ngayon lang! "she pasued." Ngayon lang talaga kami nagkita ulit, kung saan malapit na siyang kunin sa amin." bitterness and regret are evident in her voice. I can't help myself but to felt hurt also.
"I was just so naive at that time that I choose to left my father for someone. Not minding what my father might feel." pagpapatuloy nito bago ulit huminga ng malalim. " At ngayon nagkita kami. Sobra-sobra yung hiya ko, kaba, na halos hindi ko siya kayang harapin. Iniisip ko na hindi ako kayang patawarin ng sarili kong ama. Pero alam mo kung anong sinabi ng Tatay ko?" bumaling siya sa akin. "Na walang ama'ng hindi kayang patawarin ang anak. Na lahat ng ama nangungulila sa anak." she smiled at me and I can see unshed tears from her eyes.
Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa akin ng taimtim." Hija." I also held her hand to comfort her. "Masama ba akong ina, kung nilayo ko si Kalib sa sarili nitong ama?"
"Tita.." nasasaktan ako para sa kaniya at mas lalong para kay Kalib. He's just a kid before who was left alone by his father. Even now that his a grown up man, dala-dala niya pa rin ang poot sa puso niya. He doesn't deserve this hardship. "No Tita, no. You just did what you think is better for Kalib. I know you love him Tita. Kaya alam kung lahat ng ginagawa mo ay para sa ikabubuti niya." I came closer to her and hugged her.
Alam kong mahirap ang mga napagdaanan ni Tita sa buhay niya. Kung siguro ako ang nasa posisyon niya ay hindi ko na alam kung anong gagawin. She was tough, brave enough to fight alone, all the way for a long time. And I adore how she manage to raise Kalib alone. Knowing that Kalib grew up as a better man.
We stayed like that for a while hanggang sa kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. " Stacia hija, masaya akong naging malapit kayo ni Kalib. And you do have a good heart, just like your father. We were just like you before, not until I left him. Alam kong mahalaga ka sa anak ko. Huwag mo sana siyang iwan katulad ng ginawa ko."
Ngumiti siya sa akin pero hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko maintindihan yung unang sinabi nito. Iniwan niya si Papa noon? Bakit?
"Hija? Promise me you will never leave my son."puno ng pagsusumamo ang bose nito kaya pinilit kung ngimiti at sumagot.
BINABASA MO ANG
Back to December
RomanceAnastacia Emerson Soledad possessed almost everything. The elegance, beauty, brain, body and fame. Kung siguro nga ibang tao ang nagkaroon ng lahat ng ito ay paniguradong naging mataas na ang tingin sa sarili. Somehow Stacia was different. She grew...