Jealousy[ WARNING: R-18 ]
May mga nangyayare talaga sa buhay natin na hindi natin maindtindihan. May mga pagkakataong nagiging masaya tayo sa mga simpleng bagay. Nasasaktan dito tayo sa hindi malamang dahilan.
Ganyan ang nararamdaman ko ngayon. Habang tinitingnan ko ang mga mata niyang madilim ay hindi ko lubos maisip kung bakit ganun na lang ang pagkirot ng puso ko. Ni wala siyang ginawa kundi titigan ako pero ganun na lang ang bigat na nadarama ko. Isn't it weird right? That I feel a thousand of emotions with just his one cold stares.
I came closer to him but I didn't expect his next move. He stepped forward to me and I thought he would stop in front of me. But he just pass by and ignored me.
"K-Kalib t-teka lang. " pagtawag ko sa kaniya ng umamba na siyang maglakad palayo. Pero hindi siya huminto at dire-diretso ang lakad nito papunta sa kotseng nakaparada sa harap ng gate namin. Ngayon ko lang ito napansin.
Ni hindi niya ako nilingon at patuloy pa rin ang lakad nito. Sumisikip ang dibdib ko habang nakikita siya papalayo. Hindi ako sanay. Kailanman ay di ako masasanay kapag ganito ang trato niya sa akin.
"Kalib..." garalgal ang boses na pagtawag ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko. Bumubuhos ang sakit sa aking dibdib katulad ng pagbuhos ng malakas na ulan ngayon sa amin. Yumapos ang hangin sa aking balat sanhi ng mas panlalamig ko pa sa nararamdamang lamig dulot ng pakikitingo niya.
Tuluyan na nga siya nakapasok sa kotse nito ng hindi ako tinitignan. Hindi na ako nag-isip pa at binitawan ang payong at walang pagdadalawang-isip na tinakbo ang distansya namin. Ramdam ko na ngayon ang pagdaloy ng tubig sa buong katawan ko dahilan para tuluyan na nga akong mabasa. Pero hindi ko yun pinansin.
"Fuck!" malutong na mura nito ng tuluyan na nga akong malingunan ni Kalib. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o mututuwa sa nakikita kong emosyon ngayon sa kaniyang mga mata. Iritasyon at pag-aalala. Bumaba siya at tumakbo papunta sa akin. Nagulat man ay hindi ko nagawa pang makapagsalita ng binalot niya sa akin ang isang jacket na mula sa kotse nito. Nagmamadali niya akong iginaya sa kotse nito at pinagbuksana ako ng pinto.
"Get in." mariing pagbanngit nito. Na para bang may pinpigilan siyang galit. Para siyang nagtitimpi.
Agaran naman ay pumasok na ako sa kotse nito. Umikot siya at pumasok din ng driver seat at walang sali-salitang pinaandar niya ito.
Hindi mabilis ang pagpapatakbo nito pero kitang-kita ko kung gaano kahigpit ang kapit ng kamay nito sa manubela. Tahimik rin siya at tanging tunog ng ulan at makina ng kotse ang naririnig ko sa buong byahe. Kaya naman hinarap ko siya at kinuha ko ang pagkakataong iyon upang magsalita.
"Kalib.." wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kaniya. "Galit ka ba?" mahinahon kong tanong. "I don't know why you're mad, but please don't treat me like this. Im not used to it." naginginig ang boses ko at alam kong anumang oras ay bibigay na ako.
Napansin ko ang kakaibang emosyong dumaan sa mga mata nito habang nakatingin pa rin sa daan. Hindi siya kumibo at literal na nalaglag ang balikat ko, tuluyan ng nawalan ng pag-asa. Parang pinipiga ang puso ko kaya naman mas pinili ko na lamang isandal ang ulo sa upuan ng kotse. Tinagilid ko ang ulo ko para hindi siya masulyapan at pinagmasdan na lamang ang daan. Hindi pa nakatulong ang ulan dahil para rin itong nagdadalamhati kasama ko.
Sa gitna ng kalungkutang nararamdaman ko ngayon ay unti-unting umusbong ang inis at iritasyon sa akin. Bakit ba kasi hindi niya ipaliwanag kung bakit nagagalit siya? Wala naman kaming ginawang mali ni Ashton! At hindi naman kami bat ganyan siya makaasta! May ginawa ba akong mali!? Arghhhh! Nababaliw na ako!
BINABASA MO ANG
Back to December
RomanceAnastacia Emerson Soledad possessed almost everything. The elegance, beauty, brain, body and fame. Kung siguro nga ibang tao ang nagkaroon ng lahat ng ito ay paniguradong naging mataas na ang tingin sa sarili. Somehow Stacia was different. She grew...