Kabanata 14

23 7 2
                                    

Party

"Hoy bruha! Ano yung nadatnan naming eksena doon huh! Dali magkwento ka!" 

Kakarating ko pa lamang sa department namin ay sumalubong na agad ang naniningkit at umaakusang tingin ni Sami. Natawa naman ako sa kaniya. Alam kong gustong-gusto niya na itong itanong sa akin nung weekends pero sabi niya mas mabuti daw na magkuwento ako sa personal. Kaya ayun. Ke-aga-aga ngayon eh naninira...este nagtatanong na agad. 

"Hoy ano na?" atat na tanong nito ng may mapang-asar na ngiti sabay hila sa braso ko. 

"Wala nga yun Sami. Nagkataon lang talaga na andun siya. "kaswal na sagot ko.

"Nagkataon?! Eh ano yung pahalik-halik ha! " eksaheradong singhal nito sa akin. Napangiwi naman ako.

"Aba'y ewan ko sa lalaking iyon. Huwag mo nang intindihin yun Sami. May kalog din kasi sa utak yun kaya ganun." pilit kong pinapaintindi sa kaniya na wala lang ang mga yun. Dahil diba? Hindi niya naman ako gusto. Hindi naman kami. 

Hays Letche! Ba't parang may kumikirot sa dibdib ko?

"Stacia ang tanga! Ang manhid-manhid mong gaga ka!" bulyaw niya sa akin sabay batok sa akin. 

"Aray letse! Ang sakit ha!" singhal ko sa kaniya sabay irap. Tumawa siya sabay bulong.

"Kawawang Kalib. Tsk.tsk.tsk." iiling-iiling na aniya. Kumunot naman ang noo ko. 

Binalewala ko na lamang iyon at umupo na rin sa aking silya. Ng dumating ang unang instructor namin ay nagsimula na ang klase. Natapos ang lahat ng subject namin for the morning kaya ayos na.

" Oi Teka! " napalingon kami sa biglang sumigaw. Nakita ko si Tyler na tumatakbo papunta sa amin. 

Patungo kami ngayon ni Sami sa library dahil may sasagutan kaming assignment. Free sched na kasi kami. Binalingan ko si Sami na ngayon ay nakangiwi habang pinagmamasdan ang humahangos na si Tyler.

"Oh? Napano ka?" nakangiwing tanong ni Sami sa kaniya. 

"May lakad kayo mamaya?" nakangiting tanong niya habang sa akin nakatutok ang tingin.

Napataas ang kilay ni Sami samantalang ako ay napakunot ang noo.

"Ah eh..inimbitahan kasi ako sa isang night out party ng isang kaibigan. Ahm baka lang naman gusto niyong sumama?" aniya sabay himas-himas ng batok. 

Nakangisi na ngayon si Sami habang napa-isip naman ako. "Eh baka naman hindi kami imbitado diyan?" nakakahiya naman kasi siya lang ang inimbitahan.

"Walang problema Stacia, kasama mo naman ako. Ako to oh." sabay turo sa sarili ng may nagmamalaking ngiti. "Si Tyler Davino."

Humagalpak ako sa tawa dahil napangiwi ng todo si Sami sabay tingin aa kaniya ng nandidiri. Well, gwapo naman talaga si Tyler, he's cute and has nice body but he's noting compared to Kalib. Well, Kalib is hot to be exact. He had a manly and mature body-built.Napatango-tango ako sa naisip pero bigla rin nangunot ang noo ng may napagtanto.

Why the hell am I comparining Kalib to Tyler?! Eh bakit ko nga ba siya naisip! Napapikit ako ng mariin bago binuksan ang mga mata, diretso ang tingin kay Tyler na nakatitig na pala ngayon sa akin.

"What about our classes tommorow?" I asked to divert my attention. Ofcourse we should consider that one. Night out yung pupuntahan so expect the hang over.

Tumaas ang isang kilay ni Tyler sa tanong ko. "Didn't you heared the announcement earlier?"

"Ay oo nga pala." Sabay hampas sa akin ni Sami. "Dakilang late ka kasi kaya di mo naabutan. May seminar buong week ang mga instructor natin. Bongga!"

Back to DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon