Kabanata 12

19 7 0
                                    


Sneak Out

Mabilis lumipas ang araw at biyernes na ngayon. Sa mga nagdaang araw ay ginugol ko ang panahon sa pag-aaral. Hindi ko na rin nakikita si Kalib pero nagtetext naman siya tulad ng nakauwi ka na ba? , kamusta ka na?, kumain ka na?. Siguro nga ay nagbalikan na sila ng ex niya kaya hindi ko na siya masyadong nakikita. Busy!

Ewan pero parang kinukurot ang puso ko sa naisip.

Binalawala ko na lamang iyon at dinial ang numero ni Sami.

"Oh?" ang bastos din nitong kausap eh. Di uso ang hi/hello?

"Inimbita ko sina Tyler na pumunta dito bukas. Sama ka."

Simula kasi ng niligtas niya ako ay naging magkaibigan na kami. Ako rin ang nag offer na mag be-beach party kami dito. Pambawi sa ginawa niya.

"Really?" naghihistereyang sigaw nito sa kabilang linya. Nilayo ko abg cellphone sa tenga at halos mapapikit ako sa boses nito. "OMG Stacia!!!" tili pa nito.

Natawa ako sa reaksiyon nito. " Oo nga. Punta ka huh! "

"Oo naman no? Hindi ako mawawala basta mga ganiyan!" halos magsisigaw na ito sa kabilang linya.

Kung saan-saan pa umabot ang usapan namin hanggang sa napagdesisyunan naming putulin na. Matutulog na sana ako kung di ko lang narinig ang tunog ng cellphone ko. At ng makita kung sinong tumatawag ay halos mahulog ako sa kama sa pagkataranta. .

Si Kalib tumatawag! Sasagutin ko ba o hindi? Hindi ko alam kung anong pipiliin, maya-maya lang ay namatay ito. Pero tumunog ulit. Napasapo ako sa noo ko bago pinindot ang accept.

"Why aren't you picking up your phone?" baritono nitong boses. Halos manuyo ang lalamunan ko dahil doon. Hindi ako makapagsalita. "Stacia."

"Oh? E-eto na nga. Sinagot na nga diba!" siniguro kong maririnig niya ang inis at iritasyon sa boses ko.

"Galit ka ba?"

"Hindi!" lecthe! Hindi ba talaga Stacia?

He chuckled and I hate to admit this. It feels so fucking good! "Really Stacia?" patuya nitong sabi.

Hindi ko masuklian ang kapilyuhan nito dahil sa namamayaning pakiramdam sa kalooban ko. Miss ko na sya. Alam ko yun.

"I wanna see you." malambing nitong sabi at halos mapapikit ako sa lambot ng boses nito. Pero kaagad ding napatayo sa sunod niyang sinabi. "Nandito ako sa baba. "

"What!" napasigaw ako pero kaagad ko ding tinakpan ang bibig ko. Narinig ko ang baritonong pagtawa niya sa kabilang linya. Nakakapanghina ng tuhod.

"Puntahan mo ko dito. Gusto kitang makita." mahinang sabi nito at halos sampalin ko ang sarili ko. Nung isang araw lang ay nage-emote ako tapos ngayon biglang kikiligin?

Nagmamadali akong tumalon sa kama lumabas ng kuwarto. Madilim na ang sala at nga kuwart, hudyat na tulog na nga silang lahat. Ano ba namin kasi itong naisipan ni Kalib, hating gabi ngayon pa maghahanap sa ganda ko...este sa akin.

Teka nga? Ba't ba ako nagmamadali huh! Dapat galit-galitan muna ako. Kunwari naiinis parin ako sa kaniya.

Dahan-dahan akong lumabas ng pinto. Sa kusina kasi ako dumaan. Dumiretso ako sa ibabang bahagi ng kuwarto ko kung nasaan ang nga bulaklak namin. Masyado ng madilim pero nakikita ko pa din si Kalib na nakatayo doon habang inaabangan ang pagdating ko.

"Oh? Baket?" salubong ko sa kaniya ng makarating sa harapan niya.

"Nothing. I just wanna see you." napapaos nitong sabi.

Back to DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon