Natamaan"Ano ba yan nakakaumay! Walang gwapo." natatamad na saad ni Sami sa gilid ko. Nandito kami ngayon sa school bench sa harap ng oval at nanonood ng mga taong dumaraan. Actually siya lang iyon, kasi ako nagbabasa ng libro. Ewan ko ba dito kay Sami, naghahanap daw kasi siya ng gwapo. Kung ano-anong pinagagawa sa buhay.
"Balita ko nga bumalik na yun eh."
"Talaga? Hala baka magbalikan na sila."
"Siyempre naman no. Sino ba namang tatanggi sa ganda ni Yarah."
Napalingon ako sa nga nagkukumpulang babaeng dumaan sa harapan namin. Nagbubulongan daw pero ang lakas naman ng boses. Narinig tuloy namin ng di sinasadya. Pero, Yarah? Hindi ko lang alam huh pero sa palagay ko'y ang pinag-uusapan nila ay yung tinutukoy din ni Steve. Bakit ba big deal sa lahat kung bumalik siya? Tsk!
Napalingon ako kay Sami na nakataas na ang isang kilay. Nakikinig rin pala sa tsismis. Tsk tsk tsk. Ng tuluyan ng umalis yung mga babae ay binalingan ko si Sami na ngayon ay balik ulit sa pag bo-boy hunting.
"Sino si Yarah?" tanong ko sa kaniya dahil curious na curious na talaga ako. Ang sabi lang naman ni Steve ay kababata nila iyon. Yun lang!
Mas lalong tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Para bang nagtataka siya kung bakit ko iyon natanong.
"Ba't mo natanong?" kunot-noong tanong nito.
"Wala lang. Sabi kasi ni Steve kababata niya iyon eh. " tumango-tango naman siya bago nagsalita.
"Wala rin ako masyadong alam eh." nagkibit-balikat ito." Pero sa mga naririnig ko sa tabi-tabi, rumored ex daw iyon ng kaibigan ng kuya mo. Sino nga iyon? Si Kalib?" halos manigas ako sa kinauupuan dahil sa narinig.
I don't know but I felt a stabbing pain inside my chest. Naiinis din ako. Hindi ko lang alam kung kanino.
"Oh? Napano ka?" tanong nito.
Napakurap-kurap ako ng ilang beses bago umiling. "Ah..wala. May naisip lang. " pagpapalusot ko.
" So yun nga. Mag ex daw yun sila eh. Tapos nagbreak lang nung umalis si Yarah at nangibang bansa."pagpapatuloy niya sa kuwento. And it's really suffocating. This is torture!
Tumayo ako at nagdesisyong bumalik na lang ng classroom.
" Sa'n ka?" nagtatakang tanong nito sa biglaang pagtayo ko.
"Babalik lang ng classroom."
"Teka sama na lang ako."
Wala naman akong nagawa kundi tumango. Hindi na rin naman siya nagkuwento ng pabalik na kami ng classroom. Nakalimutan na siguro niya.
Natapos ko ang buong araw namin ng nakabusangot ang mukha. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Bigla na lang akong nawalan ng ganang gumalaw simula ng marinig ko ang mga tsismis sa paligid.
Pull yourself together Satacia! Damn it!
Nakasakay na rin ng tricycle si Sami habang ako'y nakatayo dito sa gate, naghihintay ng sumundo sa akin. Lumiwanag ang mukha ko ng namataan ang aming sasakyan pero literal na bumagsak ang balikat ko ng makita si Manong na bumaba doon.
Matamlay akong sumakay ng sasakyan habang pinapaandar niya ito.
"Maam, may dadaanan lang po tayo saglit. Binilin kasi ng Papa mo." tumango na lamang ako sa kung anong sinasabi ni Manong. Maraming bumabagabag sa isipan ko at hindi ko na kayang ikalkula lahat. Sumasakit ang ulo ko sa mga pumapasok na ideya sa utak ko kasabay ng pagkirot din ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Back to December
RomanceAnastacia Emerson Soledad possessed almost everything. The elegance, beauty, brain, body and fame. Kung siguro nga ibang tao ang nagkaroon ng lahat ng ito ay paniguradong naging mataas na ang tingin sa sarili. Somehow Stacia was different. She grew...