Kabanata 13

23 7 0
                                    

Stay Quiet

Wala na akong nagawa kundi hayaan si Kalib sa kusina. I was smiling the whole time dahil ang cute niyang tingnan sa suot niyang pink na apron. That was mine actually. Nakangiti ako habang seryoso niyang hinihiwa ang mga lulutuin. Para bang may galit siya dito at talagang magkasalubong ang mga kilay. And his biceps were showing everytime he slice. And I find it so ..well hot? Natawa ako sa sariling inisip.

Napalakas ata ang tawa ko kasi bigla siyang lumingon sa gawi ko. Nagtataka ang ipinukol niyang reaksiyon. Napakagat ako sa ibabang labi habang umiiling. Nakakahiya!

Then his gaze turned to my lips. He was looking at it as if he was restraining his body from doing something. Salubong ang mga kilay nito habang hindi inaalis ang tingin sa mga labi ko at maya-maya'y pinilig ang ulo at umiwas ng tingin. Noong una ay nagtaka ako pero ng may napagtanto ay pinamulahan ako ng mukha. 

God! I should restrain from biting my lips in front of him. Mahirap na!

"Maam, dumating na po yung mga bisita niyo." napatigagal ako ng tinawag akong bigla ni Mayen. Leche naman eh! Nangugulat!

Binalingan ko si Kalib na nakatingin na rin pala sa akin ngayon. 

"Puntahan ko muna huh." tumango lamang siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Tumalikod na ako at huminga ng malalim. Bakit ganiyan ka makatingin Kalib? Nakakapanghina ng tuhod.

Lumabas ako ng mansiyon at nakita ko kaagad sila na kakapasok pa lang ng gate. Marami sila actually, mga teammates ni Tyler, tapos may mga kasama pa silang mga girls. Maybe their girlfriends or what. Tapos nakita ko rin si Sami na kasama nila. Napangiti kaagad ako. Siyempre excited ako. It's her first time here.

"Hi. Mabuti naman at nakarating kayo." bati ko sa kanila ng nakalapit na. Una kong niyakap si Sami. Bumeso rin sa akin ang mga babae na hindi ko naman talaga kilala. Bigla tuloy akong natawa. 

"Ang laki naman ng bahay niyo Stacia." namamanghang inilibot ni Sami ang tingin sa aming mansyon. Natawa naman ako.

"Hi Stacia." ngingiti-ngiting bati sa akin ni Tyler. "Sinong kasama mo dito?" tanong nito. Aakto pa sana siyang yayakapin ako ng bigla kong naramdaman ang isang mainit at malaking palad na sumakop sa aking beywang sabay halik sa aking buhok.

"Ako.." baritonong sabi ni Kalib sa tabi ko. Napatigagal ako pero mas malala ang reaksiyon ng mga tao sa harapan ko. Lahat sila ay nagulat at nanlaki ang mga mata.

Binalingan ko si Kalib at pinanlakihan ng mata pero binalewala niya iyon at mas hinigit ako sa kaniyang katawan bago humarap sa mga kasama namin.

"P-pwde na kayong pumunta sa baba para m-maligo. Susunod lang ako." nangangatal ang bibig ko habang sinasabi iyon. 

"Wala namang problema iyon no!" ngingiti-ngiti si Sami sa akin. "Tara na guys." pinaghihigit niya na ang iba. Napasulyap ako kay Tyler na magkasalubong ang mga kilay at parang galit sa mundo. Ay ewan! Yung mga babae naman parang hindi na matanggal ang tingin sa katabi ko! Nakakainis!

Ng nakaalis na sila ay binalingan ko si Kalib ng may masamang tingin.

"What?" patay-malisya nitong tanong.

"Ba't bigla-bigla ka na lang sumusulpot huh! Baka anong isipin nila dahil nakita ka nila dito. " naghihistereya kong sabi.

Nilapit niya ang mukha sa akin at naningkit ang mga mata. "Bakit? Ano ba dapat isipin nila? Hmm.." mahina at malambing nitong usal sa mukha ko. Napalunok ako ng wala sa oras. 

"E-ewan ko sayo Kalib." humalukipkip ako at nag-iwas ng tingin. Tumawa siya sabay akbay sa akin at iginaya ako papasok ng mansyon. Yun bang tipong tawa na nakakahawa. Kaya imbis na mainisa ay napatawa na lang din ako.

Back to DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon