Kabanata 2

37 17 10
                                    

Tease

The next day, I woke up because of the knock in the door. Hindi pa sana ako babangon kung hindi lang dahil sa sinabi nito.

"Maam Stacia. Almusal na po! Pinapabilin nga rin po pala ng Papa niyo na may lakad po siya, kaya wala siya ngayong araw." sabi ng maid namin.

Napabangon ako dahil doon. Saan naman kaya ang punta ni Papa? 

"Okay. Susunod ako!" sigaw ko kahit na parang nakakatamad pang maligo. Masyadong malamig. Malamig basta't umaga dahil malapit sa karagatan ang mansyon namin.

Kahit pa pikit-pikit pa ay tinungo ko na ang bathroom. I used a hot water at binabad muna ng ilang oras ang katawan sa bathtub. 

Pasado alas 10 na ng natapos ako sa pag-aayos. Bumaba agad ako sa sala at napansin ang pagiging tahimik ng mansyon. Saan naman kaya nagsusuot yung magaling kong kapatid?

Dumiretso na ako sa kusina at kahit doon ay walang katao-tao.

"Ay Maam, kakain na po kayo?" halos mapatalon ako ng biglang marinig ang tanong ng isang katulong namin.

Ay hinde te! Magsasaing ako! 

Kumuha siya ng mga pagkain at juice tapos nilapag isa-isa sa mesa. 

"Where's Steve?" tanong ko.

"Ah si Sir po." Natahimik pa siya sandali na parang nag-iisip. "Hindi ko po alam Maam eh" I rolled my eyes at what she said. "Pero nakita ko po siya kanina kasama yung mga kaibigan niya." aniya na sinabayan ng pagtango-tango.

Kaibigan? 

Now that she mention it, parang may namumuo na namang inis sa akin. How dare him!

"What's your name?" baling ko sa maid.

She smiled wildely at me." Tawagin niyo na lang po akong Mayen!" masiglang pagpapakilala niya.

"Mayen, gaano ka na katagal dito?" I asked her.

" Ah, nasa higit isang taon na po."

So, medyu matagal na? 

"Do you know who are Steve's friend?" taas kilay kong tanong.

"Naku maam, ang dami po kasing kaibigan ni Sir. Pero ang madalas niya talagang kasama ay si sir Kalib."

BINGO!

Tumikhim ako at tumuwid sa pagkakaupo.

"San daw ba nakatira yang Kalib na yan?" patay-malisya kong tanong. Na para bang hindi big deal ang pag-uusap na ito. 

Eh hindi naman talaga big deal! Tch!

"Dito lang din sa bayan natin Maam. Hindi rin kalayuan dito." tumahimik siya sandali na parang may naisip. "Uyy! Crush mo yun maam no?" 

"What! No fucking way! Who the hell would like that jerk!" I over reacted at her statement.

"Eh? Naku Maam, hindi ah! Ang dami ngang nagkakagusto sa kaniya. Bukod kasi sa gwapo siya e' mabait din."

Halos maibuga ko ang iniinom kong juice dahil sa sinabi niya.

"Maam ayos ka lang?" pagdadalo ni Mayen sa akin.

I just raised my left hand to indirectly tell her Im okay. Tumayo na ako dahil tapos na rin naman akong kumain.

"I'll just go to the seashore." 

Bumalik ako sa kuwarto ko at kumuha ng libro. Dahil wala naman akong gagawin, bababa muna ako sa seashore. Nagsuot na rin ako ng color red two piece baka sakaling gaganahan ako sa pagligo roon. 

Back to DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon