"What you did is what we call 'bastos'. I should report you for harassment. "Hindi makapaniwalang tumingin si Daphne sa lalaki. Tama ba ang narinig niya? Harassment daw?!
"Hoy! Lalaking parang kabute na sumusulpot na lang kung saan-saan, harassment 'yon kung sapilitan." Sinuri niya ang mukha nito. "Eh mukhang nag-enjoy ka naman. Saka ano bang ginagawa mo sa likuran ko? Are you planning something evil?"
Dumistansya si Daphne rito.
Napaangat naman ang sulok ng labi ni Nomer sa naging reaksiyon ng dalaga. Ang bilis ng transition ng mood ng babaeng ito. Kanina lang habang pinagmamasdan niya itong gumuhit ay parang nakatanaw siya sa isang kalmadong dagat.
Hindi niya na inaasahan na ang kalmadong dagat ay delikado din minsan.
"Yes, I am planning something." Inilabas niya ang plano ng ancestral house at itinuro rito ang napansin niyang hindi akma sa request ni Mr.Willson. "I am planning on discussing this with you."
Habang tinitingnan ng dalaga ang plano ay hindi maiwasan na mapalapit sa mukha ni Nomer ang ulo ni Daphne lalo na ang blue nitong buhok na may kakaibang bango. Hindi napigilan ni Nomer ang sarili na amoyin ito.
"Anong masama sa deck na adjacent sa main door?" Nakapameywang na tanong nito.
Naputol ang ginagawang pag-amoy ni Nomer at napatuon ang pansin niya sa masungit na mukha ni Daphne. Kahit nagsusungit ay maganda pa rin ito.
"Wala namang mali doon pero kung ibabase sa request ni Mr. Willson ay gusto niya na medyo nakatago sa atensyon ng mga tao ang dec dahil iyon ang place ng family niya for relaxation."
Sandaling napaisip si Daphne saka binalikan ang design.
"It must've slipped my mind." Kinuha nito sa bulsa ang cellphone at may kinutingting doon. "Shit! Ang nagawa kong plan ay para sa beach house ni Mrs. Sulden."
Kinuha nito sa kanya ang plano at nagmamadaling naglakad pabalik sa site. Napangiti na lang si Nomer na sinundan ng tingin si Daphne habang sinasariwa ang nangyari kanina lamang na aksidente nitong paghawak sa pag-aari niya.
Pahabol niyang sinabayan si Daphne sa paglalakad pabalik sa site. Sinalubong sila ni Ariel nag-aalala ang mukha.
"Sir Nomer, okay na po ba?" tanong sa kanya ni Ariel.
Umiling siya at sinulyapan si Daphne na aligaga na sa pagliligpit ng gamit nito.
"Continue the demolition sa ibang part ng bahay pero huwag niyo munang gagalawin ang harapang bahagi ng bahay. May kaunting revision sa plano ng bahay." Iyon lamang ang sinabi niya kay Ariel dahil nakita niyang papalapit si Daphne sa gawi nila.
"Pakisabi sa mga workers na sa garden area at sa backyard muna ang trabaho. May aayusin lang ako sa plano. Medyo nagkahalo-halo na sa isip ko ang mga request ng client kaya nagkaroon ng kaunting problema. Pero minor lang naman proceed pa din sa dating plan sa ibang part ng bahay maliban sa front part." Inayos nito ang canister na hawak. "Babalik ako sa office para sa final design. Babalik na lang ako mamaya para ipresent ang bagong design."
Tumango si Ariel sa sinabi ni Daphne pero bakas sa mukha nito ang pagkainis. Nauunawaan ni Nomer dahil para sa isang engineer ay malaking abala sa trabaho ang maling design.
"Pakiayos agad 'yan, Daphne. Sobrang delay na tayo sa time frame na binigay ni Mr. Willson. This should be read by Christmas vacation."
Bumagsak ang balikat ni Daphne sa sinabi ni Ariel. Pakiramdam niya ay nadagdagan ng isang tonelada ang stress sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
Lies, Secrets, and Love
General FictionLumaki si Daphne Torres sa utang na loob. Isang architect na maraming utang na loob sa mga tao sa paligid niya lalo na sa kanyang pamilya na habang buhay niyang tatanawin. Ngunit hanggang kailan niya babayaran ang mga utang na loob na ito sa mga tao...