#11

299 12 0
                                    


  
 
HINDI makapaniwala si Daphne na tama ang mga sinabi nina Ian at Aila na suicide ang desisyon niyang pumunta sa Mindoro para sa project beach house ni Mr. Yason. Suicide talaga ang desisyon niya dahil hindi pa man nag-iinit ang pwet niya sa lugar ay pinapatay na siya ng presensiya nina Zehra at Nomer.

Few days ago, she had a serious conjversation with Ian since ito ang lubos na nakakakilala sa kanya. Kahit hindi niya sabihin kay Ian ay natutukoy nito ang nararamdaman niya kaya naman hindi na niya nailihim ang tungkol sa nararamdaman kay Nomer at sa ginawang confession ni Xenon.

Sa pag-uusap nila ng kaibigan ay napagtanto niya ang tunay na nararamdaman para kay Nomer. Hindi na simpleng physical attraction ang nararamdaman niya dahil sa ilang araw na hindi niya nakikita ang binata ay mas lalo niya itong hinahanap-hanap. Kahit na pwede naman niyang isantabi ang tungkol rito.

"Daphne, kailangan ka ni Ms. Deniz at Sir Nomer. Nasa makeshift office sila." James informed her.

"Bakit daw?"

"May gustong ipabago si Ms. Deniz sa tile color ng pool. They want your creative mind to come up with the perfect color."

"Okay na kay Mr. Yason ang tile color ng pool, bakit kailangan pang baguhin?" May inis na tanong niya habang nililigpit ang gamit.

Nagkibit ng balikat si James sa kanya at alam niyang wala itong maisasagot sa tanong niya. Nagtungo na lamang siya sa makeshift office para makausap na ang anak ng kanilang kliyente kaugnay ng pinapabago nito sa pool design.

Nadatnan niya sa loob ng makeshift office si Deniz at Nomer. Napataas ang kilay niya nang makita na magkadikit na magkadikit ang dalawa o mas tama na nakadikit si Deniz kay Nomer.

Hindi yata na-inform si Deniz na taken na ang lalaking nilalandi nito. Taken na ang lalaking gusto niya. She suddenly felt sad when Zehra flashed into her mind.

She walked towards the two and when Nomer noticed her presence, he immediately stood up.

"Daphne, thank God you're already here." Bulaslas ni Nomer at tumakbo patungo sa tabi niya.

She gave him a confused look. Dumikit ito sa kanya at may binulong.

"Deniz is hitting on me. You just saved me from her," Nomer whispered to her ear. His breath sent shivers down to her spine. This is his effect on her.

He makes her weak.

"Bakit hindi mo ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa girlfriend mong si Zehra? Baka sakaling lubayan ka niya." Bulong niya rito na may diin ang bawat salita.

"Napapansin ko na parang hindi mo gusto si Zehra. Are you jealous of her, Daphne?"

Daphne blinked a couple of times because Nomer hit a nerve there.

"N-No, I'm not! Why would I be jealous of her? We are not even together!" She said defensively, trying to spund casual despite of stammering.

"Are we not, Daphne?" Nomer teased with a fond look.

Napalunok ng laway si Daphne dahil sa mga tingin ni Nomer. Para siyang matutunaw sa mga tingin nitong nangungusap at mga ngiti nitong nakakapanghina ng kanyang tuhod.

"A-Are we?" Her voice trailed off as if she had run out of air though they are near the sea.

Their eyes met with a meaningful eye contact. Hindi napigilan ni Daphne na mapangiti habang nakapako ang mga tingin sa itim na mga mata ni Nomer. Hindi din nakalampas sa kanyang paningin ang pagtaas ng sulok ng mga labi nito. He's so gorgeous.

Her heart beat like a drum rolling inside her chest. She felt a shiver down her spine when she felt the little distance between them. She could smell his perfume from that distance.

Lies, Secrets, and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon