#24

364 12 1
                                    

NAKATITIG si Daphne sa hawak na tasa ng kape habang nakikinig kay Nomer. Wala siyang inaksayang oras para marinig ang paliwanag nito na hindi naman nito pinagdamot.

Kapwa sila nakaupo sa lounge chair at nakatanaw sa malawak na view ng siyudad. Noon lamang niya napagtanto na nasa condo sila ni Nomer kaya pala halos lahat ng makita niya ay karamihan ay personalized.

"Leyla was my friend. Anak siya ng best friend ni Baba, actually, kaya parang naging mag-best friend na din kami. Everything between us were fine not until our father decided that we should put our relationship to the next level. And sabi sa akin ni Baba ay makakabuti iyon sa kompanya dahil majority ng stocks sa kompanya ni Baba ay pag-aari ng ama ni Leyla." Humigop ng kape si Nomer at sinulyapan siya. "For the sake of Baba's company, I did what he wanted. Leyla and I became a couple but I made it clear to Leyla na wala akong nararamdaman sa kanya."

"Kung ipinaliwanag mo sa kanya, bakit naghahabol siya ngayon ng kasal?"

"She fell in love with me."

Natigilan siya at hindi kaagad nakahuma sa sinabi ni Nomer. So, Leyla loves Nomer, Nomer loves her and she loves Nomer. Bakit ang dating kay Leyla at sa ama ni Nomer ay siya ang namamagitan sa dalawa? Eh malinaw naman na mahal nila ni Nomer ang isa't isa. Teka, mahal nga ba siya ni Nomer?

"How about you? Do you love her?" Napahigpit ang hawak niya sa tasa nang tapunan siya ni Nomer ng seryosong tingin.

"I will always love her as a friend, Daphne."

Parang nabunutan ng tinik si Daphne sa tugon ni Nomer. Nakahingq siya ng maluwag at napangiti rito.
Ang mga tingin naman ni Nomer ay mas lumalim na tila umaabot sa kaibuturan ng pagkatao ni Daphne.

"You're the one that I love, Daphne. I love you and I always will." Hinaplos ni Nomer ang kanyang pisngi na nagdulot ng kuryente sa kanyang sistema. "You're the one who made me believe that love still exist after what happened to my parents. You taught me to love you more than I should."

Ano ba itong ginagawa ni Nomer sa kanya? Gusto ba siya nitong patayin sa kilig? Hinaplos niya ang isang pisngi dahil pakiramdam niya ay nag-init ito. Sigurado siyang pulang-pula ang mukha niya ngayon. This is what she calls the Nomer effect.

"Don't say that. You embarrassing me." Umiwas siya ng tingin rito ngunit huli na dahil ikinulong na nito ang kanyang mukha sa mga palad nito. Making her stare at his handsome face.

"Nothing to be embarassed, my love." Masuyo siya pinagmasdan ng binata saka sumulyap sa gawi ng silid nito. "Should we go to my room?"

Pinalandas nito ang mga daliri sa kanyang hita na naka-expose dahil sa suot niyang damit nito.

Namilog ang mata niya dahil sa bagay na biglang tumakbo sa kanyang isipan. Mabilis siyang umahon mula sa kinauupuan.

"Kailangan ba talagang sa kwarto mo? Anong gagawin natin doon?" Kinakabahan niyang tanong.

Para siyang ewan kung kabahan. Parang hindi pa nila nagagawa ang bagay na nasa isipan niya.

"What do you think we should do in my room, Daphne?" Napaatras siya nang tumayo ito at humakbang palapit sa kanya.

Napalunok siya ng laway. Hindi siya ready sa mga ganitong ganap sa kanyang buhay. Tumingin siya sa iba't ibang direksiyon para maiwasan ang mapupungay nitong mga tingin. Is he tryingto seduce her?

"Uhm.." Humagilap siya ng salita para sagutin ang tanong nito ngunit natatakot siya na baka traydorin siya ng sariling bibig at masabi rito ang nasa isipan niya. "I'm hungry, Nomer."

Napahinto sa paghakbang si Nomer at napatawa.

"We just had our breakfast hours ago, Daphne. Gutom ka na naman?"

Lies, Secrets, and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon