PAGKATAPOS kumain ng tanghalian kasama ang pamilya ni Zehra at kaibigan nitong si Keon ay bumalik na din siya sa trabaho sa ginagawang beach house ni Mr. Yason.Pagdating niya sa site ay nakita niya kaagad si Xenon kausap ang isa sa mga engineers na nakuha nila para sa project. Lumapit siya sa mga ito at nang mapansin ni Xenon ang presensiya siya ay agad nitong tinapos ang pakikipag-usap sa engineer at itinuon ang atensiyon sa kanya.
Alam ni Xenon na tanging pakikipagkaibigan lamang ang maibibigay niya rito at masaya siya na naunawaan ito ng binata. Sa katunayan ay isa si Xenon sa mapagkakatiwalaan niyang kaibigan ngayon dahil ibinilin siya ni Ian rito.
"Where have you been? Kanina ka pa hinahanap ni Nomer."
May bahagi ng puso niya ang napatalon sa saya. Hinahanap siya ng binata, napakasarap pakinggan ngunit nawala ang saya na nararamdaman niya nang maalala si Zehra.
"Bakit daw?"
"Hindi naman niya sinabi kung bakit. Hinahanap ka lang niya." Inakbayan siya ni Xenon at may binulong sa kanya. "He's looking for you, it means that he's into you."
Mapakla siyang natawa sa sinabi nito. Inalis niya ang pagkakaakbay nito at nagtungo sa table niya na para sa kanya. Walang malisya sa kanya ang pag-akbay at paglapit ni Xenon dahil nangako naman ito na hindi ito lalampas sa pagkakaibigan na offer niya. Alam niyang hindi siya an babaeng para kay Xenon pero hindi naman siya maaaring magsalita ng tapos. Walang nakakaalam sa takbo ng tadhana.
"He's not into me, Xenon. He may have said that he likes me but we don't know what specifically he likes about me. It could my work or my designs. I don't know!" Frustrated niyang wika habang pabagsak na naupo sa silyang nasa harap ng mesa niya. "Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Yes, I like Nomer but he likes Zehra and worst is they are in a relationship. I won't ruin their relationship for my happiness. Maybe I should just forget this feeling."
Muntik na siyang mapatalon sa kanyang kinauupuan nang biglang tumawa ng malakas si Xenon. Nagtataka niya itong tiningnan.
"Wow! Ang saya mo ah," puna niya rito. "Anong nakakatawa?"
Xenon composed himself and tried hard not to laugh. "You were saying that Nomer and Zehra are together as in they are in a relationship?"
"Yes, I clearly said that because that's what they are showing to everyone. Kapag magkasama sila ay para silang pinagdikit ng glue na hindi mahiwalay sa isa't isa. They even have their endearment. Abla and kardeşim," wika niya ginaya pa ang paraan ng pagbigkas ng tawagan nina Nomer at Zehra.
Sa pangalawang pagkakataon ay muling tumawa ng malakas si Xenon. Naiinis siya tumayo at akmang aalis para iwan ito nang pigilan siya nito.
"Sit down, Daphne. You need to know something." Natatawa pa rin si Xenon nang pinabalik siya a kanyang inuupuan.
Tiningnan niya ito nang masama dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa kahit na pinipigilan nito ang sarili.
"Anong kailangan kong malaman?"
Humugot ng malalim na buntong hininga si Xenon para hindi na matawa.
"Daphne, in Turkish language abla means sister and kardeşim means brother." Nanlaki ang mata ni Daphne sa sinabi ni Xenon. "Therefore, Nomer and Zehra are really in a relationship but it's not love relationship. It's sibling relationship. Magkapatid si Nomer at Zehra."
Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo dahil sa galit. Ilang beses siyang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili pero bigo siya.
BINABASA MO ANG
Lies, Secrets, and Love
General FictionLumaki si Daphne Torres sa utang na loob. Isang architect na maraming utang na loob sa mga tao sa paligid niya lalo na sa kanyang pamilya na habang buhay niyang tatanawin. Ngunit hanggang kailan niya babayaran ang mga utang na loob na ito sa mga tao...