Bumaba ng kotse si Daphne nang pagbuksan siya ni Roger ng pinto. Inalalayan niya din ang kapatid para makababa. Napansin ni Daphne na iba ang ngiti ni Nomer habang nakatanaw sa restaurant. It seems like he has good memories in that place.
Pumasok sila sa loob para makakain. Habang tumitingin sila sa menu ay may natanaw si Daphne na babaeng papalapit sa kanilang direksiyon.
A tall fine woman stopped at their table and smile at them especially at Nomer who were amazed at the woman's presence. Napataas ang kilay ni Daphne nang ngumiti si Nomer at agad na tumayo at niyakap ang babae.
Hindi nakawala sa mga mata ni Daphne kung paano ipulupot ni Nomer ang mga braso nito sa makurbang bewang ng babae na agaw pansin dahil sa suot nitong body con dress.
"I wasn't expecting to see you here, Zehra." Bulaslas pa ni Nomer na ginawaran ng halik sa pisngi ang babae.
Hindi niya napigilan na sumama ang tingin sa dalawa. Nasisira na naman ang mood niya. Ayaw naman niya na gumawa ng eksena sa mamahaling restaurant na iyon. Saka bakit ba siya siya nagpapaapekto sa dalawang iyon?
She rolled her eyes without letting them notice it. Binalingan na lamang niya si Dalla na abala sa pagpili ng kakainin kahit hindi naman nito kilala ang mga pagkain sa menu.
"Me neither, Nomer. I actually didn't know that you would show up here. My staff just told me so I came down here to make sure." Muling niyakap ng babae si Nomer. "And here you are, standing in front of me with that handsome face of yours."
Handsome daw? Saang bahagi kaya ang handsome doon. Lahat ng bahagi niya, Daphne, ay handsome. Lihim niyang minura ang sarili dahil sa naisip na iyon.
"And you're still beautiful and gorgeous, Zehra."
Tinapunan ni Daphne ng masamang tingin si Nomer. Napansin naman ito ng binata na napangisi lamang.
"By the way, Zehra, this is Daphne-"
"His coworker." Inunahan na niya ang binata sa pagpapakilala sa kanya. "And this is my sister, Dalla. Sinamahan lang kami ni Nomer na kumain ng hapunan kaya nandito kami," she added.
"Im Zehra." Ngumiti ito at hindi maipagkakaila na kagandahang taglay ng babae. Tama nga ang sinabi ni Nomer na beautiful and gorgeous ito. "Hindi kayo nagkamali ng restaurant na pinuntahan. We have the best chef in town and I'm sure you will love his dishes."
Ngumiti sa friendly approach ni Zehra pero sa loob niya ay namumuo ang selos. Bakit ako magseselos? In denial pa din ang peg ng beauty mo Daphne!
"I am looking forward to that, Ms. Zehra."
"Drop the Miss, Daphne. Zehra na lang. Hindi ako sanay na tinatawag na Ms. Zehra."
Tinanguan na lamang niya ito. Maganda na tapos mabait pa, ano pa nga ba ang hahanapin ni Nomer sa isang babae, na kay Zehra na lahat.
"Nomer, iiwan ko na kayo. Mr. Nuñez is waiting at my office."
Muling nagyakap ang dalawa. Medyo nakakasakit na sa mata ang yakapan ng dalawang ito.
"See you later then," ani Nomer.
"Yes, dear. I will see you later at your house." Pagkasabi noon ay umalis na si Zehra at si Nomer naman ay bumalik sa pagkakaupo nito.
Magkikita daw sila mamaya sa bahay ni Nomer? Hindi na siya magtataka kung bukas late itong papasok sa trabaho. Mukhang mapapasabak sa laban ang kanialng head architect. Naiinis siyang bumaling sa menu.
Nang lumapit ang waiter para hingin ang order nila ay itinuro niya ang unang pagkain na nakita sa menu. Wala siyang pakialam kung anong klaseng pagkain 'yon. Ang alam lang niya ay naiinis siya. Naiinis siya kay Nomer at sa paraan ng pagtrato nito kay Zehra. May nakaraan ba ang dalawa? O baka naman may kasalukuyan sila?
BINABASA MO ANG
Lies, Secrets, and Love
General FictionLumaki si Daphne Torres sa utang na loob. Isang architect na maraming utang na loob sa mga tao sa paligid niya lalo na sa kanyang pamilya na habang buhay niyang tatanawin. Ngunit hanggang kailan niya babayaran ang mga utang na loob na ito sa mga tao...