#21

250 10 0
                                    

 
  
  
Just when Daphne thought that everything was alright and doing fine, another problem came and this time it'll break her.
 
  
  
PAGKATAPOS makipag-usap ni Daphne kay Mr. Samarita na kanya palang ama ay dumirets siya sa kanilang bahay. Nakangiti siyang sinalubong ng kanyang Mama at mga kapatid.

"Daphne, akala ko hindi ka uuwi." Umiiyak na niyakap siya ng ina.

Gumanti siya ng mahigpit na yakap rito.

"Pwede ba naman 'yon, Ma? Kayo po ang pamilya ko. Uuwi at uuwi po ako sa inyo."

Sumama sa yakap nila ng ina ang Kuya niya at s Dalla. Masasabi ni Daphne ngayon na sa puso niya ay buo ang kanyang pamilya. Nagbago ang tingin niya sa ina dahil sa nalaman kay Andro. Her mother is the strongest and bravest woman she knows at hindi iyon magbabago kahit ano pa ang nagawa nitong pagkakamali sa buhay.

"Masama pa din ba ang loob mo kay Mama?" tanong sa kanya ng Kuya niya nang kumalas sila sa pagkakayakap.

Ngumiti siya sa kapatid at sa ina na naghihintay ng sagot niya.

"Sumama lang naman ang loob ko dahil naglihim kayo sa akin," aniya.

"Hindi ko gustong maglihim, anak. Iyon lang kasi ang paraan para kahit papaano ay hindi masira ang tingin ninyo sa inyong ama lalo ka na, Daphne. Simula pagkabata ay hinahanap mo na ang ama mo. Hindi ko magawang sabihin sa inyo ang totoo dahil ayokong isipin ninyo na bunga kayo ng pagkakamali."

Kinuha niya ang kamay ng ina saka ngumiti rito.

"Naiintindihan ko na ang lahat, Ma. Ginawa ninyo iyon para protektahan kami at si Mr. Samarita." Sinulyapan niya ang nakatatandang kapatid. "Alam ko po na naipit lamang kayo ng sitwasyon para maipagamot si Kuya."

Nagtatakang tumingin sa kanya ang ina at kapatid.

"Paano mo nalaman ang bagay na iyon? Kanina ko lamang iyon sinabi sa Kuya mo." Nagtatakaang tanong ng ina.

"Nakausap ko po si Mr. Samarita, Ma. Siya po ang nagpaliwanag sa akin ng lahat. Mas nauunawaan ko na po ngayon ang nangyari."

Napabuga ng hangin ang kanyang ina na tila nabunutan ito ng tinik at naiiyak na tumawa. Tears of joy ika nga nila.

"Hindi ko inaakala na matatanggap mo siya bilang ama mo." Naiiyak na wika ng ina.

"Mahirap pa sa ngayon pero sinusubukan ko po para sa iyo, Ma. Wala po akong galit sa inyo ni Andro dahil alam kong wala kayong ibang choice noong mga panahong iyon." Humugot siya ng malalim na buntong hininga saka tumingin sa ina at mga kapatid. "Pero ngayon umaasa ako na gagawin na ni Papa ang tama para sa ating pamilya niya."

Tuluyang naluha ang kanyang ina nang marinig na tinawag niya na Papa si Andro. Kaya naman niyakap niya ang ina para pakalmahin ito.

Masaya siya na makitang masaya ang kanyang ina. Ngayon niya lamang nakita ang ngiti sa mga mata ng ina dahil tiyak niyang ngayon ay wala na itong itinatago sa kanila.

Lumipas ang maghapon na kasama niya ang pamilya. Pagsapit ng gabi ay nagpaalam siya sa ina para magtungo kay Nomer dahil maghapon itong hindi tumatawag sa kanya.

"Oh sige, anak. Magdala ka ng ulam para matikman naman ni Nomer ang masarap na luto ng kuya mo."

"Sige po, Ma."

Hinanda niya lamang ang ulam na dadalhin saka umalis. Hindi niya alam kung saan pupuntahan si Nomer kaya nag-baka sakali siya na nasa opisina pa ito.

Pagdating sa firm ay sakto na nag-uuwian ang iba niyang katrabaho. Binati siya ng mga ito maging sina Aila at Ian na nagulat nang makita siya.

"Daphne, mabuti nandito ka." Agad na lumapit sa kanya si Aila. "Ang boyfriend mo may kasamang ibang babae sa office niya maghapon."

Lies, Secrets, and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon