DINALA ni Nomer si Daphne sa kanyang condo dahil tiyak niyang nasa bahay sa Bulacan ang kanyang ama at si Leyla. Hindi makakabuti sa relasyon nila ang mga ito.
Inihiga niya sa kanyang kama ang dalaga at hinubad ang suot nitong sandals. Kumuha siya ng bimpo at naligamgam na tubig para punasan ito. Habang pinupunasan niya ang braso nito ay hindi niya napigilan na titigan ang namumula nitong mukha.
Masuyo niyang hinaplos ang mukha nito saka ginawaran ng halik sa noo ang dalaga. Naglatuloy siya sa pagpupunas sa katawan nito para unaliwalas ang pakiramdam nito.
Nang matapos ay maayos niya itong kinumutan saka lumabas ng silid. Sa living room na siya matutulog dahil tiyak niyang hindi matutuwa si Daphne na makita siyang katabi nito sa kama. Galit pa ito sa kanya at ayaw niyang samantalahin ang kalasingan nito.
Kinaumagahan ay maagang bumangon si Nomer para ipaghanda ng almusal si Daphne. Naghanda din siya ng tsaa para sa hang-over nito. Hindi niya alam kung anong alak ang pinainom rito ni Sandro pero natitiyak niyang matapang iyon kaya sobrang nalasing si Daphne.
MABIGAT ang ulo nang bumangon si Daphne. Sapo niya ito dahil pakiramdam niya ay mahuhulog ito sa sobrang bigat. Kahit masakit ang ulo ay pinilit niyang sinuri ang paligid dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan.
Pilit niyang inalala ang nangyari nang nakaraang gabi. Ang naaalala niya ay tinulungan siya ni Sandro bago siya nito dinala sa isang bar. Doon sila nag-inom at...
"Oh my God! Nalasing ba ako ng sobra kagabi?" tanong niya sa sarili na pilit inaalala ang iba pang nangyari.
Huli niyang naalala ay iniwan siya ni Sandro bago siya nakatulog sa sobrang kalasingan. Nang magmulat siya ng mga mata ay mukha ni Nomer ang nakita niya.
O baka nananaginip lang siya na nakita niya si Nomer? Imposible na puntahan siya nito sa bar dahil busy ito kay Leyla. Gumuhit ang sakit sa dibdib niya nang maalala ang tungkol kay Leyla. Masakit na nga ang ulo niya dumagdag pa ang puso niya.
Umahon siya mula sa kama at nagtungo sa banyo na nasa silid. Habang umiihi ay napansin niyang mga gamit ng lalaki ang nasa banyo.
"Nasaan ako?"
Lumabas siya ng banyo nang matapos at muling sinuri ang silid. Mula sa kama na kulay may cover na plain blue sheet ay napadako ang tingin niya sa mga frame na nasa dingding ng silid. May malaking frame ng isang babaeng nakatalikod at nakasuot ng blue na gown. Katulad niya ay asul din ang buhok ng babae. Nakasabit ang drawing sa dingding na katapat ng kama kung saan tanaw na tanaw ito kapag nahiga siya sa kama.
"Ang ganda," buong paghanga niyang usal.
She walked towards the portrait to check if it's real. Napanganga siya nang mahawakan ang bugbog at makita ng malapitan ang napakagandang drawing.
"Sino kaya ang may gawa nito?" Sa lower right corner ng papel ay nakita niya ang initials na NY.
Iisang tao lamang ang kilala niyang may initials na NY at si Nomer iyon. Ibig sabihin ay nasa bahay siya ng binata. Anong ginagawa niya sa bahay nito?
Napatingin siya sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok ang lalaking laman ng isip niya.
"Gising ka na pala." Bakas ang kaba sa tinig nito nang tumingin sa kanya.
Inalis niya ang paghanga sa iginuhit nito dahil sa atraso nito sa kanya.
"Anong ginagawa ko sa bahay mo?" Masungit niyang tanong.
"Sobrang lasing ka kagabi kaya dito kita dinala."
"Bakit hindi mo na lang ako hinatid sa bahay?" Hindi pa rin niya maalis ang pagsusungit rito.
BINABASA MO ANG
Lies, Secrets, and Love
General FictionLumaki si Daphne Torres sa utang na loob. Isang architect na maraming utang na loob sa mga tao sa paligid niya lalo na sa kanyang pamilya na habang buhay niyang tatanawin. Ngunit hanggang kailan niya babayaran ang mga utang na loob na ito sa mga tao...