NAKATINGIN si Daphne sa singsing na nasa kanyang kamay habang gumuguhit ng mga disenyo ng damit para libangin ang sarili. Mag- isa siya ngayon sa bahay ni Nomer dahil nasa isang business trip ito para sa malaking project nila sa Sorsogon. She was supposed to be with him pero naisip niya na walang head architect na maiiwan sa firm kaya hindi na siya sumama.It's been a week since Nomer asked her to marry him. Wala pa silang ibabg pinagsasabihan dahil ang gusto nila ay iannounce ito kasabay ng nalalapit nitong birthday. Ia-announce na din nila ang date ng kanilang kasal kaya iimbatahan nila ang malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.
She was in the middle of daydreaming about their wedding when she heard the her phone rang. Nang tingnan niya ito ay nabasa niya ang pangalan ng kanyang ina.
Simula nang umalis siya sa bahay ay ngayon na lang ulit niya maririnig ang boses ng ina. Agad niyang narinig ang mahinang hikbi ng ina nang sagutin niya ang tawag nito.
"Ma?"
Kinabahan siya sa di niya malamang dahilan. Madami na agad pumasok sa isip niya kung bakit umiiyak ang ina.
"Daphne.." humahaguhol na usal ng ina sa ngalan niya.
"Ano po ang nangyari?"
"Ang Kuya mo.."
Mas lalo siyang kinabahan nang mabanggit ng ina ang kuya niya.
"Anong nangyari kay Kuya, Ma?" Parang tinatahip sa kaba ang dibdib niya nang mga oras na iyon.
Napatayo siya mula sa kinauupuan, maging ang mga gamit niya sa pagguhit ay nagkalat sa sahig dahil sa bigla niyang pagtayo.
"Napagbintangan ng kanyang boss na nagnakaw sa pinagtatrabahuhan niya. Kasalukuyang nakakulong ang kuya mo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hinihingian ako nang isang daang libo para sa piyansa ng Kuya mo pero wala naman ako ng halaga na hinihingi nila." Nahabag siya sa ina nang marinig ang iyak nito.
Ano na naman ba kasi itong ginawa ng kuya niya? Ang buong akala niya ay maayos na ang trabaho nito pero bakit ganito ang nangyari.
"Titingnan ko kung anong magagawa ko, Ma. Tatawag na lang po ako mamaya sa inyo."
"Pasensya ka na, Daphne. Wala na akong ibang mahingan ng tulong. Ang ama mo kasi ay hindi na rin maka-delihensya sa asawa nito dahil sa nangyari kay Sandro at sa iyo." Narinig niya ang buntong hininga ng ina sa kabila ng paghikbi nito. "Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa kuya mo."
Siya naman ang napabuntong hininga sa winika ng ina.
"Wala akong maipapangako sa iyo, Ma. Titingnan ko pa din po kung ano ang magagawa ko. Hindi naman po kasi ganoon kalaki ang kinikita ko sa firm"
"Huwag mo naman sana pagdamutan ang kapatid mo, Daphne. Hindi naman niya kasalanan ang nangyari. Napagbintangan lang siya ng boss niya."
Namasahe niya ang sentido dahil sa ginagawa na naman ng kanyang ina. Pinagtatanggol na naman nito ang kuya niya kahit wala pang sapat na ebidensya na nagsasabing inosente ito.
"Ma, hindi ko pinagdadamutan si Kuya. Nagsasabi lang po ako ng totoo na wala akong mapagkukunan ng ganoon kalaking pera dahil hindi naman ganoon kalaki ang sweldo ko sa firm."
"Hindi naman siguro kawalan sa pera ni Nomer ang kailangang pera ng kuya mo, Daphne. Baka kaya mo nang ilambing iyon sa boyfriend mo na pinagpalit mo sa amin."
BINABASA MO ANG
Lies, Secrets, and Love
General FictionLumaki si Daphne Torres sa utang na loob. Isang architect na maraming utang na loob sa mga tao sa paligid niya lalo na sa kanyang pamilya na habang buhay niyang tatanawin. Ngunit hanggang kailan niya babayaran ang mga utang na loob na ito sa mga tao...