ABOT tenga ang ngiti na Nomer habang naglalakad patungo sa kanyang condo kung saan hinihintay siya ni Daphne. Hindi mawala ang ngiti niya dahil para na silang tunay na mag-asawa sa set-up nila ngayon.Hindi na siya makapaghintay na maipagsigawan sa buong mundo na si Daphne ang babaeng kanyang pakakasalan. Plano niya itong sorpresahin dahil hindi nito alam na napaaga ang kanyang uwi mula sa business trip. Dapat ay bukas pa siya makakauwi pero hindi siya papayag na hindi ito makasama ng isa pang araw. She is his life now.
Tahimik niyang pinihit ang doorknob ng main door para hindi marinig ni Daphne ang kanyang pagdating. Abot tenga ang kanyang ngiti nang pumasok sa loob ngunit nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa kanya.
Inilibot niya ang tingin sa kanyang condo ngunit wala siyang Daphne na nasilayan. Tahimik ang paligid at tanginga ng kaba ng dibdib niya lamang ang kanyang naririnig.
He fished for his phone and dialed Daphne's number but she's not answering his call. Mas lalo siyang kinabahan nang makitang hindi kompleto ang mga damit ni Daphne sa closet.
Did she leave me? tanong ng kanyang isip. Agad naman itong kinontra ng kanyang puso. She said yes to me, she loves me. Kumbinsi niya sa sarili sa kabila ng takot na baka iniwan na talaga siya nito.
She must be somewhere. Baka may pinuntahan lang siya.
Agad niyang tinawagan ang firm baka sakali na naroon si Daphne ngunit hindi daw ito pumunta roon. Muli siyang nag-isip sa pwede pang puntahan ng nobya.He called Roger to ask about Daphne's whereabout since he instructed them to look after her while he was gone.
"Nagpaalam po si Miss Daphne kanina na may pupuntahan daw po siya. Hindi na niya kami pinasama sa kanya dahil kailangan daw po kami ni Mr. Yilmaz."
Balisa si Nomer habang nakikinig kay Roger at natigilan siya nang marinig ang pangalan ng ama.
"Anong kinalaman ni Dad dito?"
Yumuko ito at hindi makatingin ng diretso sa kanya. He felt something is off so he demanded an honest answer from him.
"Answer me and I want an honest answer, Roger. What happened here while I was gone?" There was authority in his voice as he waited for an answer.
"Sir, kasi po.." May pag-aalinlangan itong tumingin sa kanya. "Kinausap po ni Mr. Yilmiz si Miss Daphne bago po ito umalis. Ilang minuto din po silang nag-usap sa loob ng inyong condo bago po nagmamadaling umalis si Miss Daphne."
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Nagmamadali? Sinabi ba niya kung saan siya pupunta?"
Umiling ito bilang tugon. "Hindi po, sir."
"May mga dala ba siyang gamit? Bag o maleta?"
"Wala po pero nagmamadali siya."
Anong kinalaman ng kanyang ama sa pag-alis ni Daphne? What did he do this time? Ginawa rin kaya ng ama kay Daphne ang ginawa nito sa iba niyang mga naging karelasyon?
If he does, I won't ever forgive him. Bakas ang galit sa mga mata niya habang nasa isip ang ama.
"Get the car ready, Roger. We're leaving."
Agad na tumalima si Roger. Nagtungo sila sa mansion ng ama kung saan inaasahan na nito ang pagdating niya.
"Have a seat and calm yourself, Nomer." Kaswal na wika nito nang makaharap niya. "I know why you're here."
"What did you do this time?" Tiim ang bagang na tanong niya rito.
Nainis siya nang bahagyang tumawa ang ama. Is this funny for him?
BINABASA MO ANG
Lies, Secrets, and Love
General FictionLumaki si Daphne Torres sa utang na loob. Isang architect na maraming utang na loob sa mga tao sa paligid niya lalo na sa kanyang pamilya na habang buhay niyang tatanawin. Ngunit hanggang kailan niya babayaran ang mga utang na loob na ito sa mga tao...