NAGPAPASALAMAT sa Diyos si Daphne dahil nakalabas na ng ospital ang kanyang ina. Medyo bumuti na din ang lagay nito kahit papaano. Lumakas na ang katawan nito kumpara noong una itong maospital.
"Ma, si Manang Yolly na muna ang bahala sa iyo. Papasok na kami ni Kuya sa trabaho." Paalam niya sa ina na nakaupo sa recliner nito.
"Oh sige, anak. Huwag mo akong alalahanin."
Hinagkan niya ang ina sa noo bago sila umalis ng Kuya niya kasama si Dalla na papasok sa paaralan. Paglabas nila ng bahay ay agad niyang nakita ang kotse ni Nomer at ang binata na hinihintay siya.
"Nomer, anong ginagawa mo rito?" Hindi niya maitago ang kilig dahil sa kagwapuhan na taglay nito.
"Sinusundo kita. I want to make sure that you will get to work safe and complete."
Mahina siyang natawa sa tinuran nito na akala mo ay may mangyayari sa kanyang masama o mababawasan siya kapag nag-commute.
"Daphne, sumabay ka na kay Nomer. Ako na ang bahalang maghatid kay Dalla sa school." Nilingon niya ang kanyang kuya.
"No, David. Sumabay na din kayo ni Dalla. Madadaanan din naman namin ang school niya at ang workplace mo." This time ay bumalik kay Nomer ang tingin niya.
Parang ang bait naman yata ng kanyang boyfriend ngayong araw. Ano kaya ang nakain nito?
"Hindi ko tatanggihan 'yan, Nomer. Malaki ang matitipid ko sa pamasahe ngayong araw."
Napailing na lamang siya sa sinabi ng kanyang kuya. Hindi talaga mapipigilan ang bibig nito.
Nagmistulang driver nila nang araw na iyon si Nomer. Pagkatapos maibaba sa tapat ng school nito si Dalla ay ang kuya naman niya ang bumaba sa kanto papasok sa trabaho nito. Natanggap bilang courier ng isang malaking kompanya ang kuya niya kaya kumikita ito ng malaki depende sa maidedeliver nitong parcel sa bawat araw.
Nang maihatid na sa kani-kanilang destinasyon ang mga kapatid niya ay tinahak na ng kotse ni Nomer ang daan patungo sa firm. Ngunit nagtaka siya nang lumampas sila sa street kung saan naroon ang firm.
"Nomer, lampas na tayo sa firm." Hinabol ng mata niya ang nalampasang kanto papasok sa kanilang firm.
"We are not going to work today, my love." Nakangising sumulyap sa kanya ang binata. "This is a special day for us."
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito.
"Nakalimutan mo na ba?" Bakas ang pagkadismaya sa mukha nito.
Siya naman ay napapaisip sa tinutukoy nito na espesyal ngayong araw. Birthday ba niya? Pero sa pagkakaalam ni Daphne ay sa February pa ang birthday nito. Next month pa din ang birthday niya.
Napatingin siya sa calendar sa kanyang cellphone. Ilang linggo pa bago ang pasko. Wala din naman nakalagay sa notes niya na connected sa araw na iyon.
"I can't forget something that I don't know, my love." She looked at him feeling sorry.
Nalungkot ang mukha ng binata na nakadagdag sa pag-aalala niya. Ano ba kasing meron ngayong araw?
"It's been a month since we started dating, Daphne." Oh no, she's on trouble. He called her in her first name instead of my love or my dear.
Natutop niya ang bibig sa pagkagulat. Mahina din siyang napatawa dahil hindi siya makapaniwala na natatandaan ni Nomer ang mga bagay na katulad no'n.
"Am I funny to you, woman?" Oh no, naiinis na ito.
"No, you're not, my love." Ikinawit niya ang kamay sa braso nito pero tiniyak niyang hindi niya naaabala ang pagmmaneho nito. "Hindi lang ako makapaniwala na natatandaan mo ang mga bagay na tulad no'n."
BINABASA MO ANG
Lies, Secrets, and Love
General FictionLumaki si Daphne Torres sa utang na loob. Isang architect na maraming utang na loob sa mga tao sa paligid niya lalo na sa kanyang pamilya na habang buhay niyang tatanawin. Ngunit hanggang kailan niya babayaran ang mga utang na loob na ito sa mga tao...