LUMIPAS ang maghapon na nasa opisina lamang niya si Daphne. Alam niyang nasa opisina na rin nito si Nomer pero hindi niya pa ito kayang harapin. Mabuti na lamang at nagkataon na maraming kliyente ang kausap nito sa maghapon, hindi siya nito naabala sa kanyang pagtatrabaho.Nang sumapit ang oras para sa kanilang pag-out ay nagmamadali siyang lumabas ng opisina para hindi maabutan ni Nomer. Ngunit paglabas niya ng opisina ay siya din namang labas ng opisina ni Nomer.
Ngumiti ito sa kanya. Parang natunawa lahat ng galit niya rito nang masilaya ang ngiti nito ngunit nang maalala ang pakikipag-usap nito kay Mr. Samarita ay nabuhay ang galit niya. Inirapan niya ito.
"Wait," habol nito sa kanya. "Are you okay?"
Hindi niya ito sinagot at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
"Daphne," hinawakan siya nito sa braso para pigilan siya sa paglalakad. Pinihit siya nito paharap sa kanya. "Is there something wrong? Bakit iniiwasan mo ako?"
Tiningnan niya ito ng masama at kumawala sa pagkakahawak nito.
"Because that's the only way to save myself from your lies, Nomer."
Nagsalubong ang kilay ng binata sa sinabi niya.
"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan nitong tanong habang palinga-linga sa mga taong nakatingin sa kanila. "Let's talk in my car."
Muli siya nitong hinila ngunit hindi siya sumunod rito. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa dahil narinig ko na ang lahat kanina sa Polar Restaurant habang kausap mo si Mr. Samarita."
Bakas ang gulat sa mukha nito. Nanunuya niyang tiningnan ang binata.
"You're hitting on his daughter, Nomer. I can't believer you." She scoffed, "Ilan pa ba kaming mga babae na pinopormahan mo? Pang - ilan ba ako sa listahan mo?!" singhal niya rito na nakapagpatingin sa mga taong nasa hallway.
"It's not what you think, Daphne. I can explain everything." Pagsusumamo nito ngunit tila naging bato ang puso niya rito.
"I don't need any of your explanations, Nomer."
She walked out of his face upon saying those angry words. Narinig niya ang pagtawag nito sa kanya ngunit hindi siya lumingon. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa kanilang bahay. Pagdating sa bahay ay agad na bumungad sa kanya ang ina na nasa wheelchair at nanonood ng TV. Si Dalla ay nasa tabi nito at minamasahe ang kamay ng ina.
"Daphne, umiyak ka ba?" Agad na tanong ina.
Umiwas siya ng tingin rito. "Napuwing lang po ako sa byahe, Ma."
Naglakad siya patungo sa kanyang silid para magtago sa ina ngunit kasunod na kaagad niya ito sa tulong ni Dalla.
"Daphne, alam kong hindi ako naging isang mabuting ina sa iyo pero ako pa rin ang ina mo. Alam ko kapag may bumabagabag sa iyo." Nang maiayos ang wheelchair ng ina ay lumabas na din ng silid si Dalla. Naiwan sila ng ina roon. "Pwede mo akong sabihan ng iyong nararamdaman, anak."
Pagkasabi ng ina ng mga salitang iyon ay bumuhos ang luha niya kasabay ng kanyang damdamin. Napaupo siya sa kama at napatakip ng mukha dahil sa walang humpay na pagdaloy ng luha sa kanyag pisngi.
"Mama, niloko ako ni Nomer." Parang bata niyang sumbong sa ina.
Kahit hirap sa paghakbang ay pinilit ng ina na tabihan siya sa kama.
"Ano bang nangyari?" Niyakap siya ng ina at hinaplos ang kanyang ulo para pakalmahin siya.
"Nakita ko siya na kausap si Mr. Samarita kaninang umaga. Inabutan siya ni Mr. Samarita ng tseke at sinabi na layuan ni Nomer ang anak nitong babae." Kumalas siya sa pagkakayakap ng ina. "Hindi ko alam kung sinong anak ang tinutukoy ni Mr. Samarita dahil si Sandro lang ang alam kong anak niya pero 'yong katotohanan na pinapalayo niya si Nomer sa anak niya ay patunay lang na may ibang babae si Nomer."
BINABASA MO ANG
Lies, Secrets, and Love
General FictionLumaki si Daphne Torres sa utang na loob. Isang architect na maraming utang na loob sa mga tao sa paligid niya lalo na sa kanyang pamilya na habang buhay niyang tatanawin. Ngunit hanggang kailan niya babayaran ang mga utang na loob na ito sa mga tao...