#2

473 18 2
                                    

  
  
   

"Daphne, pinapatawag tayo ng bagong head architect sa hall. ASAP daw." Hindi na hinintay pa ni Ian na makasagot siya dahil dali-dali itong umalis pagkasabi no'n.

Wala siyang matatapos na trabaho kung maya't maya silang ipapatawag ng kung sino mang nasa taas. Siguro naman kaya nang ihandle ng mga kasama niya ang bagong head architect. She needs to finish the design for Mr. Willson's house renovation. Hindi niya ito matatapos kung laging may urgent call from their bosses. Oo at sila ang boss pero paano naman ang trabaho nilang mga nasa ibaba.

Inilagay niya ang kanyang mga gamit sa bag na lagi niyang dala. Lahat ng kailangan niya sa pagdedesign ay bitbit niya kaya ang ending ay marami siyang dala paglabas niya ng opisina. Nakasalubong niya si Aila na puno ng pagtatakang tumingin sa kanya.

"Where are you going? The hall is over there, darling." Minsan may kaartehan din talaga ang dila ng kaibigan niya.

"I know but my work is waiting for me on the other side of the world. Balitaan mo na lang ako tungkol sa bagong head architect. I'm sure wala itong pinagkaiba kay Quentin. They came from the same roots, right?" Ginaya ang kaartehan ng kaibigan sa huli niyang tinuran.

Napatawa si Aila sa sinabi niya.

"Oh sige na, umalis ka na. Baka iwan ka pa ng work mo." Nilampasan niya si Aila ngunit hindi pa siya nakakalayo nang may sabihin ito. "Huwag mo lang kaming sisisihin kapag hinanap ka ng bagong head at sabihin namin na umalis ka."

She rolled her eyes at her and left. As if naman may magagawa ang galit ng head architect na 'yon. Kung inayos ba naman ng pinsan nitong si Quentin ang mga projects nila, eh di sana wala siyang nira-rush ngayon.

Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa location ng bahay ni Mr. Willson sa Cavite. Habang nasa byahe ay tinawagan niya ang construction team tungkol sa pagsisimula ng renovation. Nakahinga siya ng maluwag nang malaman na ready na ang mga workers at nasa site na din ang mga ito.

Pagdating niya sa area ay agad siyang sinalubong ng mga construction workers.

"Ms. Torres, hindi po kami makapagsimula ng trabaho dahil wala pa po si Engr. Ariel. May urgent daw po sa office ninyo kaya baka mamaya pa daw po siya makakapunta. Paano po kaya ito?"

Sigurado siya na ang pagdating ng bagong head architect at construction manager ang urgent na sinabi ni Ariel. Napabuntong hininga na lamang siya at sinuri ang lugar. It was an ancestral house and Mr. Willson specified that he wanted it to look like a new one without losing its ancestry. Mukhang maraming trabaho ang kakailanganin sa gusto ng kliyente.

Habang wala pa ang engineer ay ipinaliwanag na lamang niya sa mga ito ang gustong mangyari ng kanilang kliyente.
 
  
  
  
"THIS place looks fine for the both of us, Nomer. Kahit na alam kong napipilitan ka lang rito dahil ang priority mo pa din ay ang  MaVie."

Sinulyapan ni Nomer si Xenon nang banggitin nito ang kompanyang ipinundar sa Turkey. Sa tuwing naiisip niya ang kompanya ay nabuhuhay ang galit niya sa kanyang ama.

"MaVie will always be my priority, Xen, just what its name says. It's my life." Namasahe niya ang sentido nang maalala ang ginawang panggigipit ng ama sa kompanya niya.

Hindi siya mapupunta sa Pilipinas kung hindi dahil sa panggigipit ng kanyang ama sa kompanyang itinayo niya. He was forced to closed his company because of his father's manipulation. Napilitan siyang umuwi sa bansang pinagmulan ng kanyang ina, ang Pilipinas, para makapagsimulang muli at para malayo sa kanyang ama.

"Alam ko at alam ko din sa babangon muli ang MaVie. But right now, let's first deal with this little company of your cousin." Naalis sa isip niya ang tungkol sa ama at napunta sa architectural firm na iniwan sa kanyang pamamahala ng pinsang si Quentin.

Lies, Secrets, and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon