SINALUBONG si Daphne ng humahangos na si Yesha pagdating niya sa trabaho. Hindi pa siya nakakapag-time in ay nakasunod na kaagad sa kanya ang kanyang junior architect."Daphne, tumawag na si Mrs. Quinto. Humihingi ng follow up sa vacation house niya sa Mindoro. Tapos si Mr. Dickens ay humihingi na rin ng copy ng plano daw na nagawa natin para sa coffee shop niya. Si Mrs. Arsena naman ay pupunta daw dito mamayang before lunch."
Tinapunan niya ng tingin si Yesha. "Bakit daw?"
"She wants to talk to you and Mr. Nomer. Sobrang tagal na daw kasi ng pinapa-renovate niyang bahay sa QC pero wala pa daw update sa kanya."
Gusto niya ngayong hanapin kung nasaang lupalop ng Pilipinas si Quentin at sakalin. Ang dami nitong tinanggap na kliyente pero hindi naman nito na-entertain lahat.
Nagtungo siya sa kanyang opisina habang nakasunod pa din si Yesha sa kanya.
"Isa pa pala, Daphne, si Mr. Yason ay tumawag din kanina. Hihintayin niya daw before lunch ang design sa beach house niya sa Mindoro."
Pabagsak siyang naupo sa kanyang swivel chair at mariing napapikit. Hindi niya alam kung ano ng uunahin sa kanyang kliyente.
"Okay, Yesha, work on Mr. Quinto and Mr. Dickens plan. Pakisabi kay Emman na ipasa sa akin ang nagawa niyang design para sa beach house ni Mr. Yason. Ako na din ang bahala sa kailangan ni Mrs. Arsena." May kinuha siyang file sa mesa at binigay kay Yesha. "This is our new clients. Work on this."
Agad na sinunod ni Yesha ang mga sinabi niya at umalis. Siya naman ay naiwan na nakatunghay sa kanyang mesa. Hindi niya maiwasang mapatingin sa silid na katapat ng kanyang opisina. Naiwang bukas ni Yesha ang pinto kaya natanaw niya ang pinto ng opisina ni Nomer.
Naalala niya ang nangyari kahapon nang umangkas siya sa motor nito. Hindi niya inaasahan na mag-eenjoy siya na kasama si Nomer. Napaka-maingat nito sa pagmamaneho at tiniyak din nito na komportable siya. Maya't maya ang tanong nito sa kanya kung ayos lang ba siya. Huminto sila sa isang restaurant para kumain ng meryenda at nalaman niya na pareho silang mahilig sa lumpia.
Naputol ang kanyang pag-iisip nang may humarang sa kanyang tinitingnan. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Nomer na nakatingin sa kanya.
"Yesha told me about our clients." Pumasok ito sa loob ng kanyang opisina at sinara ang pinto.
"Nagkasabay-sabay ang mga clients na tinanggap ni Quentin kaya hindi ko alam kung anong uunahin." Napamasahe siya ng batok sa sobrang stress.
"Let me help then. It's our client afterall. Let's work in my office." Pagkasabi noon ay umalis na ito at nagtungo sa opisina nito.
Agad naman niyang inihanda ang mga gamit at nagtungo sa opisina ni Nomer. Hinawanan ni Nomer ang mesa nito at kumuha ng isa pang upuan para sa kanya.
The work side by side as they help each other. Habang gumagawa ng design sa laptop si Nomer ay hindi maiwasan ni Daphne na mapatitig sa mukha binata.
She wondered what does he looked like without the short beard and thin neatly trimmed sides. She doesn't like guys with beards but when she saw Nomer, she suddenly forgot how disgusted she was with beards. In rules, there really are exceptions and his beard was one of them. She finds it sexy and attractive especially when the side of his lips moves upward. Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ng lalaking may balbas?
He has coal-black eyes perfectly defined by his briskly eyebrows. He has Roman nose and half-done cheekbones sat above his concrete jaw. He has a well maintained and trimmed short boxed beard that made him sexier especially when he flashes a friendly smiles and when his side lips move upwards. His Titan's shoulder gives her a sweet message that he could protect her like how a king protects his queen. He is dishy and he gracefully moves like a leopard. His coal-black eyes stare at her with a fiery passion and desire.
BINABASA MO ANG
Lies, Secrets, and Love
General FictionLumaki si Daphne Torres sa utang na loob. Isang architect na maraming utang na loob sa mga tao sa paligid niya lalo na sa kanyang pamilya na habang buhay niyang tatanawin. Ngunit hanggang kailan niya babayaran ang mga utang na loob na ito sa mga tao...