NAKANGITI na pumasok sa trabaho sina Nomer at Daphne na ipinagtaka ng mga kasama nila sa trabaho."So, ikaw pala si boss." bulong sa kanya ni Yasmin habang nasa meeting sila.
Kumunot ang noo niya at naguguluhan na tumingin rito.
"Boss?"
"Oo, ikaw pala ang tinutukoy ni Mr. Nomer na boss. 'Yon ang lagi niyang sinasabi kapag niyaya namin tuwing lunch or dinner." Tinakpan ni Yasmin ng hawak na conference notebook ang bibig at lumapit pa sa may tenga niya. "Lagi niyang sinasabi na may meeting siya with his boss. Now we know who's his boss."
"Yasmin, did you get what I've said?"
Sabay silang napatingin ni Yasmin kay Nomer. Lahat ng kasama nila sa conference room ay nakatingin sa kanilang dalawa. Did they miss something?
"Pwede po bang pakiulit, sir? Medyo di ko po nakuha 'yon eh." Napakamot sa ulo si Yasmin dahil sa hiya.
Napailing na lang si Nomer at inulit ang mga sinabi habang nakapako ang tingin sa kanya. Napapangiti na lamang siya sa tuwing magtatama ang mga mata nila ni Nomer. Napapapaypay siya sa mukha dahil pakiramdam niya ay nag-iinit ang mukha niya dahil sa kilig.
Mabilis lamang ang naging conference nila dahil pinag-usapan lamang nila ang mga big projects ng firm. Mukhang magiging busy sila sa mga susunod na araw at buwan.
"Stay for a while, Daphne. We need to discuss some matter about Mr. Riveros mansion."
Naalala niya ang isa sa mga bagong project na tinanggap niya which is ang mansion na pinapagawa ni Mr. Riveros.
"Oo nga pala," binalingan niya si Yasmin. "Mamaya na lang natin pag-usapan ang tungkol sa cafe ni Ms. Mallari."
Makahulugan siyang tiningnan ni Yasmin saka binalingan si Nomer at muling tumingin sa kanya at may binulong.
"Should I lock the door?"
Nakurot niya ang tagiliran nito dahil sa kapilyahang naiisip. Tinulak na niya ito para makaalis at nang makalabas ang mga kasamahan nila ay binalingan niya si Nomer. Nakangisi ito ngunit hindi niya inaasahan nang inilang hakbang nito ang pagitan nila at sinakop ang mga labi niya.
His kiss was soft and only lasted for a few second. Nabitin siya pero nasa trabaho sila at hindi yata maganda na makita sila ng mga katrabaho na naghahalikan.
"Akala ko ba pag-uusapan natin ang tungkol sa mansion—" her words were cut on air when he sealed her lips with another kiss.
"That was really my plan but kissing you is much better." Muli siya nitong siniil ng halik.
Napapangiti na lamang siya sa gitna ng mga halik nito
"Sa tingin ko kailangan na nating lumabas," aniya sabay awat kay Nomer nang akmang hahalikan siya ulit.
Nginuso niya ang gawi nang bubog na wall ng conference room. Sinundan ni Nomer ang tinuturo niya. Although malabo ang bubog na iyon ay alam niyang nakikita ang silhouette nila roon at sigurado siyang para silang block buster movie na pinapanood ng mga katrabaho nila.
"They can watch all they want." Pinaulanan siya nito ng halik sa kanyang leeg kasabay ng paghigpit ng hawak nito sa bewang niya.
Nagdulot iyon ng kakaibang sensasyon sa katawan niya dahilan para mapaungol siya. Gusto niya ang ginagawa nito ngunit may bahagi ng utak niya ang kumontra sa init na nararamdaman niya.
Mahina niyang tinulak ang nobyo.
"We have all night for that kiss, Nomer. Sa ngayon, magtrabaho na muna tayo." Nakita niya ang pagbagsak ng balikat nito at gumuhit ang pagkadismaya sa gwapo nitong mukha. "This is not the place for that sexy thing, dear."
BINABASA MO ANG
Lies, Secrets, and Love
General FictionLumaki si Daphne Torres sa utang na loob. Isang architect na maraming utang na loob sa mga tao sa paligid niya lalo na sa kanyang pamilya na habang buhay niyang tatanawin. Ngunit hanggang kailan niya babayaran ang mga utang na loob na ito sa mga tao...