Chapter 13: Blues Clues

1.9K 38 4
                                    

CHAPTER 13

Anong ginagawa nya?

Nanlaki ang mata ko sa posibleng gagawin nya at ng makasalubong namin si kuya ay huminto sya kaya napahinto rin ako

Tumingin sya kay Ethan pagkatapos sakin at huli sa kamay nya na nakahawak sakin, nahiya ako kaya kukunin ko na sana ang kamay ko ng higpitan nya pa lalo iyon

"Sinong nagsabi sayong pwede kang pumasok dito sa bahay namin? Umalis ka na at bitiwan mo ang kapatid ko" mariing sabi ni Kuya

Hindi sya pinansin ni Ethan at biglang umakyat sa kwarto ko kasama ko at may kinuhang kahon -yung kahon na binigay sakin ng bata sa ibabaw ng mesa dahil doon ko pinatong at saka kami bumaba

Si kuya ay naka-upo lang pero mukhang iritadong nakatingin samin

Ipinatong ni Ethan ang kahon sa mesa at binuksan. Tumambad sakin ang mga litrato na nakita ko kahapon pagkabukas ko dyan. Nakita ko sa gilid ko ay ang gulat na itsura ni Kuya habang tinitignan ang litrato naming dalawa

Kinuha nya ang isa doon at tinignan. Natatandan ko pa iyon yung pumunta kaming dalawa sa burnham park

Inabutan ko sya ng isang pirasong isaw at sakin naman yung betamax bumili rin ako ng sago't gulaman at buko juice

"I don't want that, its probabaly not sanitize well" simangot nya "we should just go to a fancy and classy restaurant instead of here!"

Napatawa naman ako sa sinabi nya kaya napatingin ang ilan sa mga naka-upo sa benches sakin. Mukha kasi akong tanga na pinagtatawanan ang kasama kong mamang hanggang dibdib lang ako. At ayan na naman ang laging ekspresyon nya na pagkunot ng noo, maybe it's his hobby to do that everytime he doesn't want or annoyed at something
"What are you laughing at?"

Umiling naman ako "Para kasing sating dalawa ikaw pa yung babae sa sobrang arte e. Sige na kainin mo na 'yong isaw, ang sarap kaya neto paborito ko nga 'to"

"I-isaw? San naman gawa yan? It looks like a dirty fucking worm!" At namura pa ang kawawang isaw

I chuckled and tap his shoulder "Ano ka ba?! Hindi ito uod ganito lang talaga itsura nito kasi bituka ng baboy ito"

Isang oras ko rin syang pinilit sa pagkain ng isaw; nung una akala mo baby kung kumain dahil ang liit-liit ng kagat at dahil alam kong maiinis na naman sya kapag tatawa ako kaya hangga't sa abot ng aking makakaya ay sinubukan kong pigilan. Iniwan ko muna sya para maghanap ng CR dahil naihi ako sa ininom kung buko juice, siguro tama nga sila na nakakaihi nga talaga iyon

Paglabas ko nahagip ng mata ko ang isang photo booth kaya naisip kong yayain sya para makapagpapicture kaming dalawa pero ng balikan ko sya nag-usok ang tenga, ilong at lahat na ng pwedeng pumusok sa akin. Lumapit ako sa dagat ng mga malalanding shokoy na lumalandi sa kanya may ilan pa ngang butanding, sugpo at hito doon e

Alam kong magaling syang lumangoy at athletic sya pero ayoko lang na mangamoy at mahalo sya sa mga creatures under the sea

Napatingin sya sakin kaya agad nyang hinigit ang braso nyang pinuluputan na ng water snake, nakalimutan ko ang pinaka deadly creatures sa lahat -ang ahas.

"Don't think any malicious things about it, hon. It was just nothing" defensive agad ang lolo nyo wala pa nga akong sinasabi e!

"Ok, so tell me the not 'malicious' things about it. HON!" I even emphasized the endearment that he used and quoted in the air the word malicious

Umalis ako agad doon at nadaanan ko ang photo booth pati na ang lalaking nagbabantay doon

"Ano ma'am magpapapicture po ba kayo ng boyfriend nyo-" bago pa nya matuloy ang sasabihin nya ay nasinghalan ko na sya

"Hindi na! At saka hindi ko yun boyfriend. Wala akong boyfriend" kahit medyo naawa ako kay mamang kuya sa pagsigaw ko sa kanya ay itinuloy ko na dahil mainit ang ulo ko ngayon. Pinakiusapan ko pa naman 'tong si mamang kuya na i-reserve kaming dalawa tapos makikita ko lang syang nakikipagharutan sa mga sea creatures? Ha! Bahala sya sa buhay niya.

"She's right, wala syang boyfriend" may nagsalita sa likod at alam kong sya yun dahil kabisado ko lahat sa kanya pati na ang mga kalokohan nya

Hinatak nya ako paasok sa booth at dahil wala akong sa mood pumalag ay hindi ko ginawa pero hindi ko naman sya sinunod sa mga sinasabi nyang pose na gusto nyang gawin namin sa camera dahil kagaya ng sabi ko ay bahala sya sa buhay nya!

"Asawa meron" ako naman ngayon ang gumaya sa pagkunot ng noo na palagi nyang ginawa dahil sa sinabi nya

CLICK!

Hindi ko napansin ang pag-flash at pagtunog ng camera kaya ang pose na gusto nyang mangyari ay naging kakaiba. Sya na naging si Joker at ako na si Wonderwoman na nakatingin sa kanya ng masama

Binigay samin ng lalaki ang picture na yun pero hindi ko tinanggap dahil pagkatapos nun ay umalis na ako

"Bakit ito nandito? At sino ang nagbigay nito?" Nagkibit balikat lang ako

Miski'y kasi ako ay hindi alam ang sagot sa kung paano napunta iyon sakin dahil ilang taon na ang nakalipas ng hindi ko makita iyon pero alam ko kung sino ang nagbigay ngunit hindi ko sya kilala basta alam ko lang na lalaki iyon sa itsura nya pa lang. But I really don't know what they motives are kasama na doon ang lalaking nagbigay ng sulat sakin?

Napatayo ako agad, tama hindi nga sakin iyon para kasing sa iba nyang tao sinasabi iyon at hindi sakin pero sigurado akong ako yung tinutukoy nung taong yun sa sulat pati na yung sa pangalawa na may kasamang litrato, walang duda dahil imposibleng para kay mama o kaya para kay Lola Saring iyon

Hindi ko lang maintindihan kung sasabihin ko pa ba sa kanila iyon dahil parang pakiramdam ko kailangan ko munang malaman kung sinong nagpadala ng mga yun at anong dahilan dahil si kuya at si Ethan, marami pa rin akong hindi alam tungkol sa kanilang dalawa kaya hindi ko rin sila pwedeng pagkatiwalaan sa bagay na ito

"Paano mo nalaman ang lahat ng ito, Ethan?" Tanong ko sa kanya ng pinauwi na sya nila mama at papa. Pinakilala sya namin ni kuya bilang kaklase ko pero hindi nya sinabi na sa kanyang bahay ako nakitulog nung nakaraan dahil paniguradong putol ang ulo nya, taas baba.. haha

"Nakita ko kasi na inabot sayo yun ng bata at yung lalaking nakasakay sa itim na kotse ang nag-utos nun na ibigay sayo" paliwanag nya

"...edi ba malapit lang ang bahay ko sa inyo kaya napadaan lang ako" inunahan na nya ako sa pagtatanong pa ng kasunod

"At kinabahan ako bigla dahil baka kung ano ng laman nung kahon na yun"

Inaayos ko ang mga damit na tupiin ng pumasok si mama sa kwarto ko nung una ay akala ko si Kuya dahil baka gusto nyang pag-usapan ang tungkol sa kanina  dahil hindi naman na sya nagtanong pa pagkatapos ng kanina

Umupo sya sa katabing upuan na nasa harap ng kama ko at inabot sakin ang isang sapatos na panlalaki. Nagtaka pa akong ibigay nya sakin iyon

"Para saan po ito?" Tanong ko "I'm sure hindi para sakin ito?"

"Nakita kasi raw iyan ng Lola mo sa likod ng bakuran ng minsang maglinis sya roon at nakakalat lang doon"

Nagtaka naman ako kung kanino ito kasi hindi rin daw alam ni mama at kung bakit nandun ito doon sa bakuran namin? Napakamot naman ako sa ulo ko out of frustration. Ano ba itong mga nangyayari, bakit ang dami na lang kaganapan sa loob lamang ng tatlong buwan parang halos bawat linggo may mga bagay na mahirap ipaliwanag kung paano, kanino at anong pakay

Lahat misteryo para sakin

such a TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon