CHAPTER 3
Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung paglipat ko dito sa Sagada at masasabi kong okay naman kahit papano pero nag-aalala na talaga ako sa bestfriend ko dahil yun na yung huling pag-uusap namin pagkatapos nun hindi ko na ulit sya macontact..
Sa loob rin nang isang linggo medyo marami na rin akong kakilala dito sa Sagada hindi naman mahirap makipagkilala at makipagkaibigan sa kanila
Kaya ngayon pupunta kami ni kuya Anton sa State University of Sagada para i-enroll ako, dapat First year college na ako pero dahil hindi ko nga natapos yung pag-aaral ko sa maynila at hindi ako nakagraduate ng high school balik fourth year ulit ako at dito rin nag-aaral si kuya 3rd year college naman sya kaso sa kabilang building sa college department.
"Dito na lang po" at binigay nya ang bayad saka kami bumaba
Pagkarating namin sa loob ng school lahat ng tao samin nakatingin or sakin? at mostly mga lalaki
Bumaling ako kay kuya na may pagtataka mukhang naintindihan naman nya ang gusto kong iparating
"Nagtataka ka kung bakit lahat sila nakatingin sayo? Tignan mo naman yang suot mo" sabi nya habang hini-head to foot ako
Tinignan ko naman ang suot ko, nakafloral top, high waisted short at nakaflats lang naman ako, anong problema dun?
Pagkatapos binalik ko rin ang tingin ko kay kuya na ngayon ay nakataas ang kilay na nakatingin sakin na para bang tinatanong nya kung 'na-gets-mo-na-ba-kung-bakit?'
"Kasi po para ka namang magpaparty sa suot mong yan eh mag-eenroll lang naman tayo at nasa PROBINSYA ka" sabi nya na binigyang diin pa yung salitang 'probinsya'
Alam ko naman yun eh na wala na ako sa maynila at wala na ring gimik-gimik tulad ng ginagawa namin noon nila BF pag free day namin pero masama bang suotin tong mga damit ko eh regalo lang naman sa kin to ni farrah
"Bakit casual namang tignan ah anong problema dun?" tanong ko
"Wala, tara na nga magpa-enroll ka na baka mahaba na yung pila eh" sabi nya habang akbay-akbay ako
Kung titignan kami ng mga hindi nakakakilala samin iisipin na magboyfriend-girlfriend kami grabe naman kasing makaakbay si kuya akala mo may mambabastos sakin
Nung marating na namin yung registrar office may binigay sa aking fill-up form
"Tranferee ka ba miss?" tanong sa akin nung babae tumango na lang ako at nagsimula ng fill up-an yung form na binigay nya.
"Mia doon muna ako sa mga kabarkada ko ha sa may canteen sunod ka nalang pagkatapos mo" sabi ni kuya tumango naman ako at umalis na sya pagkatapos
Habang nagsusulat doon sa isang vacant table may bigla na lang naghagis ng kung ano sa harap ko
At nanlaki ang mata ko ng nakitang palaka yun
"AAAAAHHHHH!!!" nagtititili ako habang itinapon ko yung palaka sa kung saan man
Pinagtitinginan na rin ako ng mga tao siguro nagulat sa sobrang pagtili ko ng may bigla akong narinig na tumatawa hinanap ng mata ko kung sino yun at nakita kong isang lalaking moreno na nakamaong pants at naka T-shirt na may nakasulat na 'I'm the boss'
Tsk! baka naman BOSSabos!!!
Binigyan ko sya ng nakakairitang tingin. Aba! ang kapal ng mukha ng taong 'tong pagtawanan ako, paano ba naman nangingibabaw ang tawa nya sa lahat.
BINABASA MO ANG
such a Territorial
Mystery / ThrillerWhen all of the things that happened making you confuse and there's always a clue that giving you the direction of where you should go to find the answers you've been longing for Amia Cassandra Fuentes a girl who just wants to have a simple life wi...