Chapter 14: Knowingly Stranger

2.4K 40 1
                                    

CHAPTER 14

"Oy nakapaghanda ka na ba para bukas?"

"Hindi pa nga e, pero super excited na ako! Tabi tayo ah"

"Punta tayo mamaya sa grocery para mamili ng maraming junk foods and drinks"

Nalilito ako sa mga pinag-uusapan ng mga kaklase ko,  martes ng umaga habang papasok ako sa room. Lahat sila kanya-kanya ng usapan at parang excited para bukas

Ano bang meron? Hindi pa man ako nakakapasok ay may humila na kaagad sakin, inis ko namang binalibag ang braso ko para makawala sa kamay na humahawak doon

"Alam mo Ethan kung iinisin mo lang ako, tigilan mo na ako dun ka sa girlfriend mo sya ang kulitin mo wag ako!" Singhal ko na narinig ng lahat nasa harapan pa kasi ako kaya naagaw ko ang atensyon nilang lahat

"Ouchie naman Amia! Crush ko si Fafa Ethan pero hindi ko sya ka-features, soft ang akin kasi I'm a woman sa kanya hard...alam mo ba yun hard at what the! Boyfie ang meron ako kasi yun ang type ko noh hindi girlalu" si Ken lang pala.

Napabuntong-hininga na lang ako and muttered sorry to him

Actually bago pa kasi ako pumasok kanina wala akong ibang maisip kundi yung sapatos at kung paano nalaman ni Ethan yung mga tungkol sa natatanggap ko parang nakakapagtaka lang kasi yung reason out nya, may parte kasi saking hindi parin mapakali para bang hindi sapat yung paliwanag nya kaya tinawagan ko sya para tanungin ulit at kung ano pang nalalaman nya at ang nakakainis pa iba ang sumagot

Ibababa ko na sana dahil nakalimang tawag na ako wala paring sumasagot, siguro busy at may ginagawa

"Hello?"

Kumunot ang noo ko dahil ibang boses ang narinig ko, boses ng babae. Shit, sino tong babaeng to? Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o papatayin ko na lang itong babaeng ito este yung tawag

Tumikhim ako bago napagpasyahang magsalita na lang "Si Ethan, asan?"

"Sino ka ba? At bakit hinahanap mo ang boyfriend ko ha?!"

Nagulat ako sa sigaw nya pero mas nagulat ako sa sinabi nya, boyfriend?

"Kailan pa?" Shit! Ano yun Amia? Bakit ganyan ang lumabas sa bibig ko. Napapikit ako "ibig kong sabihin kailan sya darating dyan? Wala ba sya, umalis?"

"No, di sya umalis. Nandito sya actually nasa kama pa nga sya at natutulog, napagod siguro kagabi sa ginawa namin"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng babae sa kabilang linya kaya hindi kaagad ako nakapagsalita pakiramdam ko nalunok ko yung dila ko kaya pala may bumabara ngayon sa lalamunan ko. Hindi na ako nagsalita ulit at pinatay na lang ang telepono saka pabagsak na umupo sa rocking chair ni Lola dito sa may terrace sa baba

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang may pumipitik sa dibdib ko at parang masakit? Iniling-iling ko naman yung ulo ko at napahawak sa dibdib ko, mahina ang tibok parang nanghihina pagkatapos ng narinig kanina parang masikip, hindi ako makahinga sa sikip ng dibdib ko

Pagkatapos nun hindi na ulit ako tumawag pa kahit kailan at binlock ko na rin sya kaya nga pag-upo ko ngayon sa tabi nya ay hindi ko talaga sya pinansin, well bihira ko na lang naman sya pansinin ngayon e kaya sisiw lang ito sakin

Nakita ko pa syang wagas kung makangiti habang lumalapit sakin papunta sa upuan nya sa tabi ko

"Tumawag ka daw nung isang araw sabi ni Nicole, bakit mo ko tinawagan tungkol ba ito dun sa-"bungad nya

such a TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon