CHAPTER 6
Nakakapagod mag-ensayo halos apat na oras kaming nagpractice para sa role playing na ipe-present namin two weeks from now na gaganapin sa auditorium, sanay naman ako na maging part sa mga gaganap sa isang role playing dahil sa dati kong school sa Maynila ay miyembro ako ng theatre ensemble pati na din si Farrah
And speaking of her bumalik na rin ang communication namin after ng hindi nya pagtawag sa akin ng almost a week kaya nung nagkausap kami sa phone sinabi nyang nagvacation daw sila ng family nya sa singapore for about a month at hindi nya nasagot yung mga tawag ko a week after nilang umalis ay dahil busy sya sa pagmanage ng business ng family nila.
Nagtaka pa nga ako kung bakit sya ang nagmamanage at hindi ang kuya at papa nya pero ang sabi nya masyado na raw nai-stress ang papa nya sa company nila dahil nagkaroon daw ng problema roon kaya sya ang OIC ngayon katuwang ang kanyang kuya na syang magiging next CEO ng kanilang kumpanya
"Mia bukas na lang ulit tayo magpractice" sabi ni Sophie ang director sa grupo namin
Nabunot kasi ni Sophie na syang leader namin sa task na 'to kay Mr. Catacutan ang role playing kaya nagpapractice kami yung ibang group naman reporting
Tumango naman ako sa kanya at agad ko ng iniligpit yung mga gamit ko. Sabado kasi ngayon at nasa school auditorium kami ngayon pinayagan naman kami ni Mr. Catacutan at pinirmahan pa nga nya yung waver para makapasok kami sa school every Saturday. Dumeretso na ako sa may pintuan at bubuksan ko na sana ng marinig ko na may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako at nakita ko syang papalapit sa akin
"Bakit?"
"Uhm ano kasi Mia pwede ba kitang yayain kumain sa labas, kahit dyan lang sa malapit na fast food chain" nahihiyang sabi nito habang ang kamay ay nasa batok at namumula na rin ang magkabilang pisngi nito
Ang cute nya magblush ngayon palang ako nakakita ng lalaking nagbablush dahil lang sa pag-alok na kumain sa labas at ang maswerteng ako pa ang dahilan nun, ngumiti naman ako sa kanya...hmm mapagtripan nga ng konti 'to "E kasi kailangan ko ng umuwi at saka wala naman akong pera para kumain sa--" agad naman nyang pinutol yung sasabihin ko
"Hindi wag ka ng mag-alala Cassie, my treat"
Nagtaka naman ako sa tinawag nya sa akin "Cassie?" di ko napigilang itanong
BINABASA MO ANG
such a Territorial
Mystery / ThrillerWhen all of the things that happened making you confuse and there's always a clue that giving you the direction of where you should go to find the answers you've been longing for Amia Cassandra Fuentes a girl who just wants to have a simple life wi...