CHAPTER 11
Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya sa mga susunod pang araw pagkatapos ng nalaman ko parang biglang nagbago yung tingin ko sa kanya at hindi ko makakayanan na makita pa sya pagkatapos ng lahat-lahat,
Parang dun ko lang nalaman kung sino ba talaga sya
Buong araw lang akong nagkulong sa kwarto at hindi lumabas ng bahay namin dito sa Sagada
Ayoko muna syang makita ngayon, kahit ngayong araw lang dahil alam kong kukulitin naman nya ako at di titigilan sa susunod na mga araw
Sa kakaisip ko ay nakatulog na ako at di ko na namalayan na may marahang pumasok sa kwarto ko
"Anak, Amia" si Mama, lumubog ang parte na inupuan nya sa kama ko at marahang hinaplos ang buhok ko
Nilingon ko sya at nakita kong nagtutubig ang sulok ng mata nya kaya napabangon ako, iyakin ang Mama ko pero alam ko na kapag ganito sya may malalim syang pinagdadaanan
"Bakit Ma? At umiyak po ba kayo?" umiling kaagad sya
"Hindi, ayos lang ako. Syanga pala hinahanap ka sa baba ng anak ni Sir Homer, gusto ka daw nyang makausap dahil iniiwasan mo raw sya, nag-away ba kayo Amia?" nanliit ang mga mata nyang sabi; ako naman ngayon ang napailing
"Hindi po kami nag-away Ma at hindi ko rin po sya iniiwasan" amalayer!
"Edi kung ganun babain mo sya run at kanina ka pa nyang alas siete hinihintay, dito na nga sya nag-almusal e" napatingin naman ako sa wall clock na nakalagay na 11:03 pm
Ibig sabihin mahigit apat na oras syang naghihintay?
"Kaya bilisan mo na dyan at bumaba ka na"
Ginawa ko nga ang daily routine ko at sa loob lang ng kinse minutos ay natapos na ako at bumababa na sa hanggang limang baitang lang na hagdan namin
Kaya hindi sya ganun kahirap na makita na nakaupo at ang famous expression na nakakunot ang noo pero this time mukha syang galit at iritado
No need to ask, I know the reason why
"What took you so long? Don't you know that I've waited 4 fucking hours here just to-"
Hindi ko na sya pinatapos at agad ng lumapit sa kanya para sampalin yung nguso nya pero hindi naman ganun kalakas, ayoko kasi na nagmumura sya lalo na pagnaiinis sya o nagagalit lalo na at nandito sya sa bahay namin
"Wag ka ngang magmura mamaya marinig ka nila papa tsaka tandaan mo nasa pamamahay ka namin kaya umayos ka!" nakakagigil na sya
Kunot parin ang noo nya nung tumayo sya mula sa pagkakaupo and I suddenly felt intimidated by him towering me. Napaatras ako sa ginawa nya pero naramdaman ko agad ang pagpulupot ng braso nya sa likod ko. Nilapit nya yung mukha nya sakin kaya inatras ko ang ulo ko pero pinigilan nya rin yun at hinawakan ang batok ko
"Ano ba lumayo ka nga-"
"You know what? Hindi ko kailangan umayos dahil lang nasa pamamahay nyo ako because when the time comes sa pamamahay ko na ikaw titira, got that Hon?" sya at inamoy pa ang buhok ko
BINABASA MO ANG
such a Territorial
Mystery / ThrillerWhen all of the things that happened making you confuse and there's always a clue that giving you the direction of where you should go to find the answers you've been longing for Amia Cassandra Fuentes a girl who just wants to have a simple life wi...