Chapter 12: Keep Your Distance

2.2K 36 0
                                    

CHAPTER 12

Pagkapasok ko sa loob naabutan ko si kuya at papa na nakaharap sakin na parang sisentensyahan na ako anumang oras. Nakita ko rin si kuya Anton na may yelo na nakapatong sa ulo nya
Siguro masakit ulo dahil sa hangover

"San ka galing at bakit ngayon ka lang?" si Papa habang nakatingin sakin ng diretso

Tumikhim ako at tumingi kay kuya na hindi man lang nag-abalang titigan ako "Galing po ako sa bahay ng kaibigan ni kuya" kumunot naman ang noo nya at bumaling na rin sa akin. Sa wakas!

Umakyat na ako sa kwarto ko habang pinipigilan ang matawa kay kuya na kasi nakabaling ang tingin ni papa. Bahala sya dyan, sya naman may kasalanan kung bakit ako di nakauwi ng bahay e sya magpaliwanag kay papa ngayon

Kungdi nya ako iniwan doon, edi sana sabay kaming umuwi at kagaya ng sabi ko hindi naman ganun kalayo ang bahay namin bakit hindi nya na lang ako sinabay?

Binagsak ko ang katawan ko sa medyo may kalambutan kong kama pero hindi ganun kalakas kasi baka bumigay dahil kahoy lang ang ilalim nun. Tumingin ako sa kisame ng kwarto ko at bigla na lang sumulpot ang mukha ni Ethan na naka-topless kaya agad akong napailing at napapikit ng mariin

Bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon? Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa kaliwa kung saan ang pinto na kanina ay ni-lock ko para walang umistorbo sakin. Kinuha ko ang unan at niyakap at saka pumikit. Gusto kong magpahinga dahil pakiramdam ko ngayon na umeepekto ang hang-over sakin kaya itutulog ko na lang kahit isang oras lang

Naalimpungatan ako sa maingay na paligid. Idinilat ko ang mata ko at sinag ng araw ang nakita ko kagad kaya napapikit ako dahil nakaka-silaw. Narinig ko na naman ang mga ingay na nakapagpagising sakin

Bumaling ako sa gilid ko at alarm clock na halos kanina pa yata sumasabog sa tunog ang bumungad sakin pero pakiramdam ko ako yata ang sasabog sa gulat nang makita ko kung anong oras na

Shit! 10:45 na ng umaga. Ibig sabihin hindi lang isang oras ang tulog ko kundi galos isang araw na

Lagpas alas-tres pasado lang ako nakatulog kahapon pero ganitong oras na ako nagising? Dun ko rin narealized na kumakalabog din ang pinto ng kwarto na para bang kanina pa ako kinakatok ng kung sino man ang nasa labas. Napatayo na ako at binuksan ang pinto dun niluwa ang lola at ang kuya kong parehas dalawang kamay pa ang kumakatok kaya pagbukas ko muntik ko pang makaharap ang mga kamay nilang dalawa

"Santisima, Amia! Anong oras na? Bakit ngayon ka lang nagising?" Si lola habang napapahawak pa sa noo

"Hoy! Alam mo ba kung anong oras na ha? May balak ka pa bang pumasok?" Segunda naman ni kuya

Tingin ko nga rin hindi na ako makakapasok pa dahil halos kalahati na ng klase ko ang hindi ko na nasipot kung papasok pa ako kaya napailing na lang ako at napabalik na lang ulit sa kama habang nakatingin silang dalawa sakin

"Hindi na siguro. Anong oras na rin kaya bukas na lang ako papasok"

Napatingin muna si Kuya kay Lola at sinabing iwan muna kami dalawa tsaka sya lumapit sakin "Bakit ka kila Ethan nakituloy? Pwede namang sa iba ha? Anong nangyari sa inyo? May ginawa ba sya sayo?"

Napairap ako sa mga tanong nya. Seriously tinatanong nya kung bakit kay Ethan ako sumama? E panu ko malalaman lasing nga ako? At pwede sa iba? Bakit hindi ko rin naman alam yung mga nangyari pati nga yung mga ginawa ko 'raw' hindi ko matandaan

"Lasing ka at pati ako kaya wala akong masyadong matandaan at hanggang ngayon masakit parin ang ulo ko kaya pwede tigilan mo ang pagtatanong" kunyari na lang akong naiinis para tantanan nya na ako at isa pa ayokong sagutin yung mga huli nyang tanong kasi hindi ko masasagot

such a TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon