Chapter 5: Watching Over

4.5K 76 1
                                    

CHAPTER 5

"Amia bilisan mo dyan at sabay na kayo ng kuya mong pumasok" napatigil ako sa pagsubo ng kanin at napa-angat ng tingin sa sinabi ni mama.

Ano daw? Kami ni kuya sabay papasok? Ano namang nakain nun at isasabay ako sa pagpasok, e ayaw na ayaw nga ako nun isabay kahit pauwi. Sa isang buwan at mahigit ko ng nag-aaral sa eskwelahang yun, never pa kaming nagsabay na dalawa, nung unang aya ko sa kanya na sabay kami umuwi nauna na syang umuwi kesa sakin tapos nung isang linggo pagkaraan nakita ko syang nasa field mag-isa tapos nung niyaya kong umuwi na at sasabay ako sabi nya; "Wag na may dadaanan pa ako" kaya hinayaan ko na lang at nauna ng umuwi pero pagpasok ko tinanong ako ni mama kung bakit mas nauna pa syang dumating kesa sakin at ang loko nasa loob na ng kwarto nya at natutulog.

"Kaya kong pumasok mag-isa ma"

"Hindi, sabay kayo ng kuya mong pumasok at may ibibigay sya sa adviser mo" ibibigay? Ano naman kaya yun? Pinagkibit-balikat ko na lang yun at kinuha na ang bag ko para hintayin si kuya sa labas

Maya-maya lang dumating na sya at dere-deretsong naglakad palabas ng hindi man lang ako pinapansin o hindi talaga nya ako napansin?. Kaya ako na lang ang lumapit sa kanya at dahil medyo malayo na sya dahil ang bilis nyang maglakad tumakbo ako papunta sa kanya

"Hoy kuya!" napalingon naman sya sakin pero wala syang sinabi at naglakad na lang ulit pero hindi na ganoon kabilis katulad ng kanina para siguro makasabay ako

"Ano nga pala yung sinabi ni mama na ibibigay mo sa adviser ko?" napatigil naman sya pero hindi na sya lumingon kaya napatigil din ako

"Basta" yun lang at naglakad na ulit sya

"Kahit kailan talaga ang sungit nito" nasabi ko na lang saka sya sinundan

"Ok now, I'll group you into five, each group will assign different task according to what task your suppose-to-be leader will pick, so I'll pick where each of you should be group into..." at nagstart ng magtawag si Mr. Catacutan ng pangalan kung sinu-sino ang magkakagrupo pero naputol yun ng biglang may kumatok sa pinto. Binuksan naman yun ni Sir at pinapasok

"What can I do for you Mr. Dela Fuente?" si kuya?. Napatingin ako sa mga kaklase kong nagbubulungan na at yung iba may tumitili pero paimpit at mahina lang

"GOSH!, si Anthony nandito?!"

"Anong ginagawa nya rito?"

"Shit! Ang hot nya...kyaaa"

Napatingin ako sa kaliwa at tama nga ang dinig ko si kent/kesha talaga yung narinig kong nagsabi ng huli. Hindi ko alam na pati sa highschool department sikat 'tong mokong kong kuya kaya sa susunod hindi na ako magtataka kung palaging malamig sa bahay namin kahit wala naman kaming aircon sa bahay, kilala pala sya rito. Tsk!

Nakita kong lumingon sya sakin sandali bago dumeretso palabas ng room, nakita ko namang may hawak si Mr. Catacutan na brown envelope at nilapag sa desk nya saka binaling ulit ang tingin sa klase.

"Hay.. ano ba yan hindi ko ka-group si papa Ethan ko! Kainis ang swerte mo gurl!" sabay hampas ng malakas sa braso ko at dabog ng paa sa tiles ng canteen inirapan ko na lang sya at hinawakan yung braso kong hinampas nya. Ang sakit manghampas ng baklang to!

"Anong swerte dun, ang malas ko nga at kagrupo ko pa yung hinayupak na komang na yun eh! Edi gusto mo kayo na lang magkagrupo mas matutuwa pa ako" inis na sabi ko ng maalala na magkagrupo kaming dalawa parang ang daya pa nga kasi magkatabi kami so supposedly hindi dapat kami magkagroup

such a TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon