Chapter 10: Win Her In Crooked Way

3.4K 67 3
                                    

Chapter 10

"Amia, maaga ka bang uuwi ngayon?" Nagulat ako sa tanong ni papa isang umaga ng Miyerkules habang hinihintay ang reply ni Sophie about sa costume namin na pinagawa nya sa isang kakilala ni Mike

Nagawa kong umiling kay papa at bumaling sa kanya pagkatapos ay sa phone ko ulit "Hindi ho pa eh, may theatrical play po kasi kami ngayon at kailangan kong pumasok ng maaga dahil may final rehearsal pa kami" paliwanag ko

"O ano Arturo na papayag mo na ba si Amia na sumama mamaya?" Nabungaran ko si Lola Saring papasok sa bahay, siguro nagwalis at nagdilig na naman sya ng mga halaman sa bakuran namin

"Ano po bang meron mamaya?"

Lumapit naman sakin si Papa at tinapik ako sa braso "Ok lang nak, birthday lang kasi ni tito Ben mo at nag-iimbitang pumunta sa bahay nila mamaya"

Ganun naman pala, kunsabagay antagal na rin pala akong hindi nakakapasyal doon kahit nung bumalik ako dito hindi pa ako nakakabisita

Tumango ako sa kanila "Sige po, susubukan kong makapunta"

Pagpasok ko hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may nag-iba sa room namin. Nilibot ko ang tingin ko pero wala naman akong napansing kakaiba o nagbago sa itsura ng classroom namin, nandun parin naman yung malaking globo sa ibabaw ng shelf, ganun parin naman ang kulay ng pintura ng pader, may mga bakante pang upuan na wala pang nakaupo. But I have this feeling na may nagbago, na may nangyari.

Nagsimula ang first period na ganun parin yung nararamdaman ko na kakaiba yung ambiance ngayon pati na yung kinikilos ng mga ilan kong kaklase

Nakakapagtaka pa dahil hindi man lang ako kinausap ni Sophie about sa play kanina dahil nahuli sya ng dating at hindi na kami nakapagpractice pa kundi binigay na lang samin ni Mike yung costume ng bawat isa para ipasukat

"Bakit hindi kayo naglast practice kayong group lang yung hindi ah" napalingon ako kay Veronica dahil sa sinabi nya

Tama sya, kami lang ang natatanging grupo na hindi nagpractice sa binigay na time ni Mr. Catacutan

"Hindi ko din alam pero siguro okay naman na yung pinractice namin nung sabado" kibit-balikat kong sabi

Huling subject bago kami umakyat ng auditorium ay napansin kong may binabasa na kung ano si Ethan sa tabi ko parang script?

Baka hindi nya pa kabisado yung mga line nya. Tatanungin ko sana sya kung bakit dahil pagkatapos ng nangyari nung araw na nagcut kami ng klase ay medyo nawala ang inis ko sa kanya at yun din ang huli naming pag-uusap na matino

"CASSIE!"

Nabungaran ko si Dave na tumatakbo palapit sa akin. Huminto muna sya at saka pinatong ang magkabilang kamay sa tuhod nito para makakuha ng hangin

"Anong nagyari sayo? Bakit ka ba tumatakbo?" Kita ko kasi ang pagkabalisa ng i-angat nya ang kanyang mukha mula sa pagkakayuko

Humugot muna sya ng malalim na hininga bago sumagot "Sabi kasi ni Mr. Catacutan umakyat na daw tayong lahat sa Auditorium"

Sumama naman lahat paakyat sa Auditorium at nakita namin si Mr. Catacutan na sinesermunan ang mga direktor ng iba't-ibang grupo, syempre kasama na doon si Sophie

"ANONG SABI KO SA INYO? DI BA DAPAT NAKA-READY NA LAHAT NG PROPS NA GAGAMITIN NYO! Minove ko na nga yung date tapos ganito" Nakikita ko na naman ang mga litid sa leeg ng adviser namin pati na ang mukha nyang hindi ko mawari kung normal lang ba o talagang galit ang expression nito, para kasing walang nagbago

such a TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon