Prologue
Nakahiga ako ngayon sa kama ko at iniisip ang mga nangyari kanina hindi ko alam kung paano ako napasok sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon hindi ko ginusto na maging ganito ang kahahantungan ng mga ginawa ko..
'tama ba talaga lahat ng iyon?'
Napabalikwas ako ng may marinig akong kumatok inisip ko na baka yung landlady lang yun kaya pinabayaan ko na dahil laging gabi yun naniningil at isa pa wala pa akong sahod kaya hindi pa ako makakabayad.
Nang may kumatok ulit pero mas malakas na ngayon dun na ako nagtaka. Sino namang dadalaw sakin ng ganitong oras? baka si Farrah lang kaya tumayo na ako at pumunta sa pintuan pero bago ko buksan sumilip muna ako sa peephole at nanlaki ang mata ko ng hindi si Farrah o ang landlady ang nandun kundi ang MGA tauhan nya na mga nakaitim.
Mabilis akong tumungo sa likod ng apartment ko at bumaba sa hagdan takbo ako ng takbo gusto ko ng huminto pero alam ko na kapag ginawa ko yun masusundan nila 'niya' ako at hindi ko hahayaan na mangyari yun mas gugustuhin ko pa na habambuhay na hindi sya makita kesa sa makasama pa sya.
Pero hindi ko na pansin ang isang bato na nakaharang sa daan kaya naman nadapa ako..
"Ouch"
Tinignan ko ang tuhod ko at nakitang dumudugo ito. Nakarinig ako ng papalapit na papalapit na mabibilis na yabag bigla akong kinabahan hindi nila ako pwedeng maabutan! kaya kahit iika-ikang maglakad ay pinilit kong tumayo at tumakbo
"Amia" bigla akong napahinto at nanigas sa kinatatayuan ko isang baritonong boses na nagbibigay ng kilabot sa aking buong katawan, nanuyo ang lalamunan ko, tumakbo ako papunta sa isang likod ng truck at doon sumakay, itinalukbong ko ang puting sako na nakalagay doon sa aking katawan.
Pigil hininga ang ginawa ko para hindi makagawa ng anumang ingay o ultimo kaluskos.
Ayokong mahuli nya ako..ayoko!
Tanging ang malakas na tibok ng puso ko na lang ang naririnig ko - may papalapit na yabag mula sa kinaroroonan ko - mas lalo kong pinigilan ang paghinga ko at tinakpan ko ang aking bibig para hindi makagawa ng kahit anumang ingay.
"Boss hindi namin sya makita" may narinig akong boses na papalapit din at huminto mismo sa tapat ng truck na kinalalagyan ko.
"Oo nga boss nilibot na namin ang buong building pati ang labas pero wala talaga" sabi pa ng isang boses pareho silang lalaki at may hinala ako na mga tauhan nya yun.
"Don't worry I knew already where she's hiding in" sabi nya sa isang malamig ngunit mapanganib na tono mas lalo kong isiniksik ang sarili ko nauubos na rin ang hininga sa katawan ko dahil sa pagpigil ko rito.
'Please Lord tulungan nyo po ako hwag nyong hayaang mahuli ako'
"Lets go" dugtong nya na mababakas parin na walang halong emosyon kasabay 'non ang unti unting paglayo ng mga yabag mula sa kinaroroonan ko
Pero bago pa ako makahinga ng maluwag huminto ang isang pares ng sapatos at may nagsalita..
"Good bye for the mean time Amia, am sure that will see soon"
BINABASA MO ANG
such a Territorial
Mystery / ThrillerWhen all of the things that happened making you confuse and there's always a clue that giving you the direction of where you should go to find the answers you've been longing for Amia Cassandra Fuentes a girl who just wants to have a simple life wi...