Chapter 1: Escape

10K 167 2
                                    

CHAPTER 1

Bumalik ako sa apartment na tinutuluyan ko at inaayos ang aking mga gamit, kailangan kong magmadali baka bumalik ang mga tauhan nya rito.

Kinuha ko lahat ng mga kailangan kong gamit iniwan ko naman ang ibang mga damit ko dahil hindi ko na ito mabubuhat sa sobrang dami.

Habang nag-eempake ako biglang may kumatok bigla akong kinabahan dahil baka mga tauhan na naman nya yon hindi ko sana pagbubuksan ng biglang lumakas ang katok at may sumigaw..

"Bestie buksan mo to!"

Napabuntong hininga na lang ako saka dumeretso sa may pintuan pagkabukas ko pa lang bumungad sa akin ang mukha ng bestfriend ko na hingal na hingal at pagod na pagod.

"Oh anong nangyari sayo pumasok ka nga muna" paanyaya ko at pinapasok sya sa loob.

Naghintay ako ng ilang minuto para siguraduhin na okay na sya at maayos na saka ako nagtanong..

"Ano bang nangyari ha at bakit parang hingal na hingal ka, tumakbo ka ba?"

"Hindi naglakad" inirapan ko na lang sya sa pamimilosopo nya at dumeretso na sa kwarto para ituloy ang pag-eempake

"Sigurado ka na ba dyan?" tanong nya hindi ko namalayan na sinundan na pala nya ako tumango na lang ako

"Wala na rin naman akong magagawa eh nasundan na nila ako dito kaya kailangan ko ng umalis" paliwanag ko habang tinutupi ang mga blouse ko at inilagay sa maleta.

"Pero paano yung pag-aaral mo dito? yung scholar mo? at yung trabaho mo?"

"Wala na akong scholarship dahil lilipat na ako ng school sa probinsya namin doon na ako mag-aaral at tinawagan ko na rin si Sir. Choi na mag-reresign na ako sa trabaho buti nga at hindi nagalit dahil hindi personal ang pag-resign ko" sabi ko at sa wakas natapos na rin akong makapag-empake saka ko sya nilingon

"Wag na wag mong sasabihin kung saan ako pupunta ha?" tumango lang sya at nagyakapan na kami

Hinatid nya ako sa may terminal ng bus papuntang Sagada "Oh ayan" inabutan nya ako ng pera pero mabilis kung hinindian iyon "Ano ka ba kailangan mo ito, para makatulong man lang ako, sige na"

Kahit ayokong tanggapin eh kinuha ko na dahil alam kung kukulitin nya pa rin ako pag di ko tinanggap

"Salamat bestfriend ah!"

"Ano ka ba wala yun, sige na sumakay ka na baka mahuli ka na" sabi nya at sa huling pagkakataon nagyakapan kami "Tumawag ka sakin pag nakarating ka doon ha?" tumango na lang ako at umakyat na at pumasok sa loob ng bus

Tanaw ko sya mula sa bintana kumaway sya at ganun din ako nakita kong may tumawag sa kanya at sinagot naman nya ito kumaway ulit sya at umalis na.

Sinalpak ko ang earphone ko sa aking tenga at nakinig ng mga paborito kong kanta...

Haayy! mahigit walong oras din ang byahe papuntang Sagada.

Nakakainip kung pwede lang sigawan yung driver para umandar na ginawa ko na paano ba naman kasi ang bagal naghihintay pa ng pasahero eh kitang standing ovation na nga yung iba, buti maaga akong nakaalis sa apartment ko kung hindi baka nakatayo rin ako ngayon ang dami ko pa namang bitbitin.

Naiisip ko na naman ang dahilan ng pag-alis ko sana hindi na nila ako matuntun kung saan man ako papunta ngayon gusto ko ng matahimik at magkaroon ng payapang pamumuhay sa Sagada...

"Balooot...balot kayo riyan"

"Oh chicharon...chicharon...chicharon"

such a TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon