Chapter 9: Meet The Past To Know You... More

3.8K 58 5
                                    

Chapter 9

Napangiti ako ng makita ko sya na nakatayo sa labas ng bahay namin at hinihintay ako. Ang gwapo nya sa suot nyang grey polo shirt at faded jeans, simple yet it makes him so atrractive and hot in my eyes. Napalingon sya sa gawi ko at ang kaninang magkasalubong nyang kilay ay naghiwalay pero hindi ang pagkakasimangot nya

"Bakit ang tagal mo?" natawa ko ng bumalik ulit ang pagkakakunot ng noo nya

Lumapit na ako sa kanya at ipinulupot ang kamay ko sa kanyang leeg at binigyan sya ng isang mabilis na halik

"Nagpaganda pa kasi ako para hindi ako mapahiya sa parents mo" sabi ko at doon ko na nakita ang once in a blue moon nyang pagngiti

"Hindi mo naman na kailangan pang magpaganda dahil maganda ka na sa paningin ko at saka I'm sure ganun din sina mommy" at binuksan nya ang kotse sa back seat, akala ko pa nga doon nya ako pauupuin dahil siguradong magmumukha syang driver pagkaganon.

Nakita ko namang may inilabas syang isang bouquet of flowers at inabot sakin

"I love you" natawa ako habang kinukuha ang bulaklak sa kanya, anniversary namin ngayon at kahit busy sya ay naalala nya paring bigyan ako ng paborito kong bouquet of daisies

Kinuha ko din ang regalo ko para sakanya sa clutch bag ko at binuksan para isuot sa kanya. Isa itong relo na pinag-ipunan ko pa para ipangregalo sa kanya

"Happy aniversary" sabay naming sabi at pinagsaluhan ang halik na puno ng pagmamahal.

Ipinilig ko ang ulo ko para maalis ang mga bagay na iyon at muling tinignan ang hawak kong bulaklak at saka tinignan sya na nakaupo sa tabi ko

"Paano mo nalaman na paborito ko ito?" tanong ko

Nakita kong nagitla sya sa sinabi ko at hindi kaagad nakaimik. Naghintay ako ng ilang minuto sa isasagot nya pero hindi sya nagsasalita kaya inulit ko ulit yung tanong ko at sa pagkakataong yun ay nilingon nya ako. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang nakita kong may isang emosyon na dumaan sa mata nya

Pero imposible naman yun. Bakit sya matatakot sa tinanong ko, wala namang dapat ikatakot sa tanong ko

"N-napansin ko kasing kanina mo pa tinitignan yan kaya i-in-assume ko na p-paborito mo yan, imbes na dun sa mga r-roses" at itinuro nya sakin yung mga mamula-mulang rosas na nakahilera at nakatanim sa may kaliwa namin

Napatango namin ako, napansin pala nya yun? Kanina ko pa nga tinitignan yung mga daisies malapit sa may kubo ang dami kasi at ang gaganda halatang alagang-alaga may nakapaskil pang 'Don't pick and step on flowers' at kung pagsasamahain lahat wala pa sa kalahati nito ang dami ng mga bulaklak na nakatanim sa bahay namin

At kumpara sa mga roses mas gusto ko ag daisy, ang kulay, itsura at amoy nito ay mas gusto ko, siguro dahil kapag nakakakita ako ng mga rosas ay may isang tao akong naaalala.

"Tara na?" nag-angat ako ng tingin sa kanya na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko at nakalahad ang kamay sakin

Nag-aalangan man ay tinaggap ko ang kamay nyang nakalahad at saka tumayo na

Hindi ko alam kung bakit pero biglang gumaan yung pakiramdam ko ng magkahawak yung kamay naming dalawa. Pakiramdam ko walang sinuman man ang makakapanakit sakin

Napatawa pa ako ng pagak sa naisip. Kung kanina halos isumpa ko na sya habang hawak nya ako at hinihila ngayon naman parang gusto kong makasama sya at makulong sa kanyang mga bisig. Tinignan ko ang magkahugpong naming kamay ramdam ko sa higpit ng hawak nya na ligtas ako

such a TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon