Chapter 4: First Day Sucks

6.6K 101 3
                                    

CHAPTER 4

Lakad-takbo ang ginagawa ko habang dumadaan sa hallway papunta sa room ko wala ng tao sa hallway ibig sabihin nag-uumpisa na ang klase..

Nakakainis naman kasi tanghali na ko nagising buti na lang nung isang araw pa kami nakabili ng mga gamit at yung uniform. Gusto kasi nila mama na kinabukasan na bago mag pasukan pa bibili ng gamit at uniform buti na lang hindi ko sila sinunod kundi mas lalo lang akong na-late.

Napatingin ako sa relo ko at nakita kong 7:30 na mas lalo kong binilisan ang pagtakbo nasa third floor pa naman yung room ko

Pagkarating na pagkarating ko sa tapat ng pinto ng room huminga muna ako ng malamim dahil rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko pinunasan ko rin ang pawis na tumatagaktak sa noo ko saka kumatok

Narinig ko namang bumukas ang pinto at nakita ko ang isang middle age around 40's na lalaki may balbas at medyo mataba tumingin sya sakin at agad naman akong kinilabutan sa uri ng pagtitig nya para nya kasi akong hinuhubaran?

"Uhm...S-sir ako po yung transferee sorry po I'm late" sabi ko sabay yuko

"Ok lang sige na pumasok ka na" sabi nya pero ganun pa rin yung tingin nya sakin pag-angat ko ng ulo

Pumasok naman agad ako

"CLASS QUIET!"

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Sir dahil katabi ko lang sya sa harapan, agad din naman silang tumahimik

"Makinig kayo..meron tayong bagong transferee galing syang Maynila" sabay baling sa akin

"Magpakilala ka na Miss" sabi nya nagulat pa ako sa biglang pagbabago ng pagsasalita nya naging malumanay at mahinahon.

Humarap ako sa mga magiging kaklase ko at yumuko "Hi! I'm Amia Cassandra Dela Fuente but you can call me Mia for short nice meeting you all. I hope we'll all be friends" sabi ko sabay ngiti sa kanilang lahat ng biglang dumapo yung paningin ko sa isang taong prenteng nakaupo ng nakadekwatro, nakangisi sya habang mataman akong tinititigan

Agad ko namang iniwas ang paningin ko sa kanya. So kung ganun, magkaklase kami ng hinayupak nato? Wow great!... Just great!

"Saan ba meron bakanteng upuan pa?" tanong ni sir namin habang sinusuyod yung buong room

"Sir sa tabi po ni Boss este ni Ethan" sabi nung isang lalaki at kung hindi rin ako nagkakamali ng tingin isa to sa mga alipores nung mokong na mayabang na yun!

"Miss Dela Fuente dun ka na sa tabi ni Mr. Salazar" sabi nung teacher ko sabay tingin sa folder at basa sa apelyido nung lalaki at turo dun sa kinauupuan nung 'Mr. Salazar' na yun

Sinundan ko naman ng tingin yung kamay nyang nakaturo at nanlaki ang mata ko ng dun sa mokong na yun nya ako patatabihin PAG MINAMALAS KA NGA NAMAN!.

Hindi ako kumilos sa pinagkakatayuan ko.

E sa ayokong katabi yan eh!.

Nakakairita pa yung ngisi nya saakin parang laging may binabalak "May problema ba Miss Dela Fuente?" Isa rin tong teacher ko na to eh kung makatingin akala mo minamayak ako well, parang ganun yata eh?

Umiling naman ako at naglakad na papunta dun sa hinayupak na lalaking yun.

Pagkaupo ko palang agad na nya akong binati

"Hi Miss sungit"

Mas lalo pa yatang lumawak yung ngisi nya kulang na lang makita ko yung gilagid nya at mapunit yung pisngi nya sa sobrang laki ng ngisi eh.

such a TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon