Chapter 8: Disintegrating Gowan

4.1K 72 2
                                    

CHAPTER 8

Haaay... ang kulit ng taong 'to!. Kanina pa tanong ng tanong isa lang naman yung tinatanong nya at paulit-ulit pa parang sirang plaka, minsan iniisip ko abnormal 'tong isang ito e, di na lang gayahin yung kapatid nyang yun tahimik lang na nasa isang sulok habang nakatakip yung libro sa mukha at nagbabasa mas matanda pa sya sa kapatid nya.. sa akin pero kung umasta mas mukha pa kaming matured tingnan kesa sa kanya

"Umayos ka nga Rafael Angelo!" ayan binuo ko na yung pangalan nya para tumahimik na sya, at salamat naman at tumahimik nga ang mokong. Pinagpatuloy ko na lang ang paggawa ng reviewer para sa nalalapit na exam next week.

"E kasi naman eh!" at biglang nag-amok itong mokong na'to at nagpapadyak pa ng paa na akala mo hindi 18 yrs old kung umasta, oo 4 years ang tanda nya at college na sya samantalang ako high school pa lang at yung kapatid nyang mas matanda naman sa akin ng dalawang taon lang ay nasa college na rin, pare-parehas lang kami ng school nag-aaral dahil mayaman sila kaya nilang bayaran yung napakalaking tuition fee sa school na yun -ay mali pala hindi pala sila nagbabayad ng tuition fee dahil sila mismo yung may-ari ng school- habang ako scholar ng daddy nila dahil tulong na lang daw nila dahil sa mahigit 10 taon nang pagiging family driver ng papa ko sa kanila.

"You're so childish" napalingon kami pareho sa nagsalitang yun; nakita kong ibinaba nya ang librong akala kong nakadikit na sa mukha nya at ipinatong sa coffee table sa gitna sabay nag-angat ng tingin sa amin na nakakunot ang noo "Act in your age kuya" saka umakyat sa grand staircase nila at saka binalibag pasara yung pinto ng kwarto nya.

Nalipat naman ang tingin ko kay Raf na nakatingin parin sa taas ng kwarto ng kapatid nya "See, pati tuloy kapatid mo nainis na sa pagiging childish mo"

"Hayaan mo siya" saka ako inakbayan at ngumiti ng malapad

"Ano na hindi mo pa sinasagot yung tanong ko!" Haay.. ang kulit talaga!

"Cassandra!" napaayos naman ako ng upo bigla ng may narinig akong tumawag ng pangalan ko. Nilingon ko kung sino 'yun at nagulat ako ng nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Ethan, nilibot ko rin ang paligid ko at nakitang nasa classroom pa pala ako at lahat ng kaklase ko miski'y si Mr. Catacutan ay nakatingin, tinignan ko uli si Ethan na hanggang ngayon nakakunot pa rin ang noo at halatang nag-aalala..sa akin? Bakit?

"Anong nangyari sayo Amia? May masakit ba? Sabihin mo?!" napaatras ako ng kaunti dahil sa biglang pagtaas ng boses nya na pati ang ilan ay napasinghap din. At buti na lang pala ginawa ko yun dahil kung hindi inch. na lang ang pagitan ng mukha namin sa isa't-isa dahil ang kalahating katawan nya ay nakaharap sa akin at nakahilig sa arm desk ko at yung isang kamay nya pa ay nakapatong sa likod ng upuan ko. Sh!t ang akward naman!

"Don't overreact Mr. Salazar dapat ako ang magalit dahil may natutulog na estudyante ko habang nagkaklase ako kung gusto niyo sa labas niyo ituloy yang monkey business nyong dalawa" inis na sabi ni Mr. Catacutan at agad ding bumalik sa pagdidiscuss about sa evolution ng mga kalahi nyang Australopithecus at hominid.

'Tsk! anong monkey?! Ikaw nga 'yun eh?!' asar na sabi ko sa kanya...sa isip, syempre hindi ko kayang gawing totoo kaya hanggang isip lang

Teka? Ano nga ulit yun? nakatulog? Ako?

Nakatulog ako sa gitna ng class hours? WOW! Achievement 'yun -with overflowing of sarcasm­­­

Nagulat ako nang bigla na lang tumayo 'tong impaktong katabi ko at mas lalo pa akong nagulat ng hilain nya ako palabas. At walang lingong-likod ni paalam sa teacher naming nag evolve na

such a TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon