Chapter 15: Hunch For Nearly Predicament

2.5K 51 9
                                    

Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya ng lumingon sya sa likod kung saan ako naka-upo pero nakita ko parin ang mabilis nyang paghinga habang nakahawak sa pintuan ng sasakyan habang hindi parin inaalis ang tingin sa akin

Lumapit sya sakin, ewan ko kung ako lang ba o talagang tumahimik lahat ng nasa loob ng makitang naglalakad papalapit sakin si Ethan while still not changing the rhythm of his breathe

Hindi ko nga alam kung hinihingal ba sya dahil napagod sya o galit sya. Sa itsura nya kasi para nya akong sasakmalin with the deadly glare he is showing nobody can tell that he's not mad. Napatingin ako sa likod nya na pasimpleng hinihipuan sya ni tuti sa braso habang may pakagat kagat pa sa labi. Psh!

"Don't look someone behind my back but me alone! And answer my goddamn question, Amia!" he suddenly growled kaya napabalik ang tingin ko mula kay Ken na kinikilig sa likod nya with matching himas pa

I wonder kung nararamdaman nya ba yung 'malisyosang' hawak ni Ken sa likod nya?

Di naman kaya nararamdaman nya pero nagugustuhan nya kaya di nya sinasaway... OMG! Posibleng kayang---

"Bakla ka" oh, shit!

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa sinabi ko, hindi ko alam why did I voice it out loud I thought it was just in my mind, now I was totally regretting it, nakikita ko na kasi na mukhang hindi nya nagustuhan yung sinabi ko. Oh wait, who would actually want to hear that word to say? I maybe deflated his ego

"Want me to prove to you that I'm not?"

Ipinilig ko ang ulo ko "Uhm.. hindi ikaw ang tinutukoy ko, si Ken yun" palusot ko na sana tumalab

Nanliit ang mata nya at mukhang asar na asar na kanina pa. Hindi na lang ako sumagot at tumungo na lang bumalik na rin sa dating ingay ang mga estudyante sa loob si ken ay umupo na rin sa tabi ni Angie at sya nakatayo parin

"Bakit hindi ka pa umupo?"

"Tumayo ka dun ako sa may bintana" utos nya

"Bakit? Mas gusto ko dito dyan ka na lang" angil ko

Humalukipkip sya at tinitigan ako ng mariin "Tayo"

"Kung maka-utos ka parang aso lang ako ha"

Inirapan ko sya at saka padabog na tumayo para maka-upo sya sa may tapat ng bintana. Sa pagtayo ko nakita ko si Dave na nakaupo sa may likuran ngumiti sya at kumaway kaya ganun din ang ginawa ko

"Wala ka bang balak umupo na?"

Umupo naman na ako sa tabi nya. Hindi ko alam kung anong problema nito pero parang kanina pa sya galit na galit. Nilingon ko sya at nakita kong may kausap sya sa phone nya hindi na ako nakinig dahil hindi ko naman ugaling mag-eavesdrop

Ang awkward lang kasi dahil magtatabi kaming dalawa kung meron lang talagang ibang bakanteng upuan kanina pa siguro ako lumipat

"Psst... Amia!"

Lumingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Veronica na tinuturo si Dave sa likuran nya na nakatayo at kumakaway parin sakin. Natawa ako sa itsura nya siguro kanina pa sya na tinatawag ako pero hindi ko lang narinig, nginitian ko sya and muttered

"Why?"

"Sabay tayo mamaya" sabi nya

Saan naman? Nagtaka ako kung ano ang tinutukoy nya kaya tumango na lang ako kahit di ko alam ayoko naman na i-reject sya

"Sige, sabay tayo"

Nag-usap pa kami kasama ni Ken na madalas sumingit at umepal saming dalawa na halatang may gusto rin sya kay Dave

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

such a TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon