CHAPTER 2
Kinabukasan nagising ako ng may sunod-sunod na kumakatok sa pintuan. Inaantok man pupungas pungas kong binuksan ang pinto upang malaman kung sino ang kumakatok
"Iha mabuti at gising ka na bumaba ka na tanghali na umalis na ang mama at papa mo pati ng kuya mo" sabi ni lola Saring
Agad ko namang tinignan ang orasan sa may taas ng pinto at nagulat ako ng alas dose y' medya na.
Grabe ang haba naman ng tulog ko, tumango na lang ako kay lola at sinabing susunod na sa ibaba
Pumasok ako sa cr at naligo mahigit labing limang minuto din akong naligo pagkatapos lumabas ako ng banyo para maghalungkat ng mga damit ko sa maleta nagsuot lang ako ng mini short at shirt
Pagkatapos bumaba na ako at naabutan ko si lola na iniinit yata yung ulam napansin nya ako at agad nya akong tinawag upang makakain na
"Oh ipinagluto kita ng paborito mong kaldereta kaso lumamig na sa tagal mong magising kaya ininit ko" sabi nya habang ipinagsasandukan ako ng kanin
"Naku lola wag na ako na po kaya ko naman po eh" habang pinipigilan sya sa pag hahanda ng kakainin ko
Hinayaan naman nya ako at kumain ako ng matiwasay pero bigla akong naconscious dahil titig na titig sa akin si lola na para bang may gusto syang itanong na bumabagabag sa kanya
"Apo kung di mo mamasamain may gusto sana akong itanong sayo" sabi nya habang mataman akong tinititigan
"Ano yun la?"
"Yung totoo bakit ka umalis sa Maynila at pumunta rito sa probinsya?"
Agad akong nakaramdam ng kaba sa narinig ko, alam ko naman na hindi kapanipaniwala yung rason ko kung bakit ako umalis at hininto ang pag-aaral ko sa Maynila at pumunta rito ng walang pasabi pero kaya ko bang sabihin sa kanila ang totoong dahilan?
Parang hindi ko kaya, ayoko ng dagdagan pa ang problema nila, wala na nga kaming sariling lupa at nagkakandahirap-hirap na nga sila mama at papa ayoko ng dagdagan pa yun
"Kasi po hindi ko naipasa yung exam ko kaya natanggalan ako ng scholar at hindi rin po sapat yung inipon ko sa mga allowance ko" napahinga na lang ako ng maluwag sa isip ko ng hindi ako nautal ng sabihin ko iyon
Hindi ko na rin sinabi sa kanila na nagtrabaho ako dun dahil panigurado magagalit sila ayaw pa naman nila nun, gusto lang nila puro pag-aaral lang ang atupagin ko kaya hindi ko na lang sinama sa dahilan ko..
"Eh bakit hindi mo naman sinabi sa amin edi sana nakapagpadala kami kahit papano" sabi nya na mukhang naniniwala naman sa sinabi ko
"Nahihiya na po kasi ako kaya umuwi ako dito at ngayong nalaman kong umalis na pala si papa sa mga Saavedra mas lalo po akong nahiya na sabihin sa inyo yun dahil ayoko na pong dagdagan ang problema nyo dito sa bahay" gatong ko sa una kong sinabi
Pagkatapos nun niligpit ko yung pinagkainan ko at hinugasan na, nagpaalam ako na lalabas lang para makapaglibot libot naman ako
Habang sinusuyod ko ang buong bayan ng Sagada iniisip ko yung sinabi ko kay lola Saring actually haft meant of it are true totoo yung sinabi ko na ayoko ng dagdagan pa yung problema nila but the rest of it are not hindi totoo yung pagka failed ko sa exam at yung pagkawala ng scholarship ko
Ang hirap naman ng ganito kung sana hindi ko na lang ginawa yun edi sana kasama ko pa siya at ang bestfriend ko.
Hala! oo nga pala kailangan kong tawagan ang bestfriend ko dapat kahapon ko pa sya tinawagan baka nagtatampo na iyon!
BINABASA MO ANG
such a Territorial
Misterio / SuspensoWhen all of the things that happened making you confuse and there's always a clue that giving you the direction of where you should go to find the answers you've been longing for Amia Cassandra Fuentes a girl who just wants to have a simple life wi...