NAIVE
After school, me and my friends decided to go to the mall, and I'm just thankful because mommy agreed which is once in a bluemoon lang mangyari. Don't get me wrong, cause my stepmother is so strict pagdating sa oras at sa mga rules niya, kapag 6:30 PM ang tapos ng klase ay kailangan nasa bahay na ako ng 7:30 dahil kung hindi, she's like a dragon na nag aapoy sa galit, but still in my eyes she's still the best mother I've ever had in my life, she just too over protective at wala naman akong nakikitang mali dun.
"Ma'am, alam niyo naman po ang rules ng mommy niyo, kailangan niyo na pong umuwi agad after school" paalala ng bodyguard sa likuran ko, kaya walang gana akong humarap sa kanya.
"Kuya Jay don't worry, nagpaalam na ko kay mommy and she agreed.. here" I said at ipinakita sa kanya ang conversation namin ni mommy kanina, he just nodded at tipid na ngumiti sa akin.
"Sige ma'am, basta kailangan nasa mansion na po tayo ng 8:30, kase pareho po tayong malilintikan pag lumagpas na tayo sa oras" he said.
I just smiled at him and nodded bago muling ituon ang atensyon sa mga kaibigan ko.
Yes I have a bodyguard, and to be honest I hate that, ayokong bawat galaw ko may nanonood sa akin, pero ano nga bang magagawa ko? As if naman na may choice ako, nakay mommy lahat ng authority sa lahat at wala akong laban sa bagay na yun.
"So saan tayo kakain?" Tanong ni Theo sa akin sabay akbay.
"Kahit saan" maikling sagot ko.
"Walang kahit saan na kainan, Arie" pilosopong sabi ni Luccete.
"Bakit ba kase ako ang tinatanong niyo?" Taas kilay kong tanong sa kanila.
"Of course kase kasama ka namin?" sagot sakin ni Lucc na ikinatawa na lang ni Theo, hindi talaga ako mananalo sa babae na to, napa buntong hininga na lang ako at inirapan siya.
"Kayo na lang bahala kung saan niyo gustong kumain" I said.
"Okay sige libre ko na" biglaang sabi ni Theo, dahilan para mag katinginan kami ni Luccette at na pa ngiti sa isat-isa, parehas kaming lumapit kay Theo at naging clingy, syempre libre to no.
"Ang pogi mo talaga Theo" pang uuto ni Luccete sa kanya.
"Tsk, alam ko naman yun, wag na lang kayong maingay" proud na sagot ni Theo, dahilan para bumitaw kaming dalawa sa kanya.
"Lucc parang lumalakas ang aircon dito sa mall, masyadong mahangin. Tara labas na lang tayo" sabi ko at hinila si Luccete na aakmang lalabas, pero syempre niloloko lang namin si Theo. Kahit naman may pagka mahangi ang lalaking yun ay mabait naman siya at gentleman.
"Hoy sandali!, iiwan niyo ba talaga ko?!" Sigaw ni Theo habang sinusundan kami. We both laugh dahil sa naging kilos ni Theo
"Ang hangin mo kase!" Sabi sakanya ni Luccete at humarap sa kanya.
"Di ako mahangin ha, totoo kaya yun" nag cross arm pa ang loko at tila proud na proud talaga sa kanyang sarili, gwapo naman talaga si Theo and I can't deny it.
I enjoy every minutes and hour I've spent with this two na hindi ko na inisip ang oras, basta alam ko I enjoy so much.
Nasa tapat palang ng gate ang sasakyan pero pakiramdam ko lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang kaba, dahil 10:30 PM na ako nakauwi napasarap kase ang kwentuhan namin nila Luccete at Theo, I'm sure na magiging dragon nanaman si mommy once na makapasok na ako sa loob ng mansion.