WHO'S IRENE?
It's been a month simula nang makilala ko si tita Venus mas naging close kami sa isat-isa dahil iisang school lang naman ang pinapasukan namin, araw-araw niya na rin akong niyaya na duon na lang kumain sa office niya tuwing break time, minsan tumatanggi ako dahil nagtatampo na din ang mga kaibigan ko sakin dahil hindi na daw ako sumasabay sa kanila, pero hindi alam ni mommy na naguusap kami ni tita Venus. Dahil paniguradong magagalit si mommy pag nalaman niya.
Pero ngayong bakasyon kahit isang beses ay hindi pa kami ulit nag kikita ni tita.
Nag lilinis ako ng school bag ko sa kwarto nang may makita ako sa loob ng bag na balat ng pills at bigla kong naalala na ito yung kinuha ko sa basurahan na tinapon ni mommy, so I decided na buksan ang laptop ko at isearch kung para saan ba ang pills na yun.
Kumunot ang noo ko dahil sa definition na lumabas nang isearch ko ang name ng pill.
Microgynon 30 is a combined oral contraceptive pill ('the Pill'). You take it to stop you getting pregnant. This contraceptive contains two types of female sex hormones, oestrogen and progestogen.
Bakit nag tetake si mama ng ganitong pills?, di paba siya ready na mabuntis ni dad?, for me okay lang naman magkaroon ako ng kapatid it's not a big deal, be side okay lang din naman sa akin kung wala.
Tatanungin ko ba siya kung bakit siya umiinom nito?
Wag na lang pala, her body her rules naman kaya hindi na dapat ako makialam.
Umalis si mommy ngayon pero hindi niya sinabi kung saan siya pupunta kaya ako lang ang mag-isa sa mansion.
Nag iiscroll ako sa phone ko habang naka higa nang biglang may mag doorbell, alam kong ibang tao yun dahil kung si mommy yun ay dirediretyo lang ito pumasok, so bumaba ako at nakita kong binuksan ng isang maid ang pinto.
"Tita Venus" medyo gulat na sabi ko kaya nagawi ang tingin niya sa akin.
"Hello Little one" naka ngiti naman na sabi niya, pinapasok ko siya at pina upo sa living room at nag paalam muna akong pupunta sa kusina para bigyan siya ng makakain at maiinom.
Pagbalik ko ay nakatayo na siya habang pinagmamasdan ang mga litrato na nakasabit sa pader, inilapag ko sa coffee table ang juice at buko pie na prenepare ko at lumapit sa kanya.
"That's my favorite photo... We look so happy" saad ko sa kanya, dahil napansin kong nakatitig siya sa malaking family picture namin nila mommy Veronica, ako at si daddy.
"Masaya nga ba?" Mahinang sambit niya pero hindi parin na aalis ang tingin sa litratong naka sabit, kahit mahina lang ang sinabi nito ay narinig ko yun dahil nasa likuran niya lang ako.
Bumaba ang tingin niya sa mga naka display na iba pang litrato sa cabinet, kinuha niya ang solong litrato ni mommy Irene...my biological mother.
"Bakit isa lang ang picture ni Irene dito?" Tanong niya, kilala niya pala si mommy.
"So do you really know mommy Irene?"
She look at me na parang nagsisising tinanong pa yun sa akin.
"Arie, I think this is not the right time to talk about your mother" she said.
"Kung hindi pa ngayon tita, kelan pa? Lahat sila kapag tinatanong ko about kay mommy lagi nila kong iniiwasan.. I'm so confused, ano bang meron kay mommy at pati ikaw ayaw mo rin siyang pag-usapan?" Gulong-gulo ko na tanong.
"Irene is my sister" she said, hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya nang marinig ko yun.
"Kung-kung ganon kapatid din ni mommy si mommy Veron" I mumble.